Historical Fiction
6 stories
Bride of Alfonso (Published by LIB) by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 5,321,764
  • WpVote
    Votes 196,651
  • WpPart
    Parts 31
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Sa loob ng labinlimang taon, ang makasal sa kababata niyang si Enrique Alfonso ang tanging pinapangarap ni Estella Concepcion. Ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya si Lucas, ang pinsan at karibal ni Enrique sa politika. *** Makatwiran at hindi nagpapatalo, lumaki si Estella Concepcion na patuloy na umaasang magkakatuluyan pa rin sila ni Enrique Alfonso, ang batang nagpagaan ng kanyang loob labinlimang taon na ang nakararaan. Ni minsan ay hindi nawala ang kanyang paghanga at pagtingin sa binata na siyang magiging susunod na gobernadorcillo ng bayan ng San Alfonso. Ngunit tila gumuho ang kaniyang mundo nang mapag-alaman niyang ipinagkasundo na ito sa ibang dalaga. Desididong mapangasawa pa rin ang binata, hihingin ni Estella ang tulong ni Lucas, ang pinsan ni Enrique. Sa paglipas ng panahon at sa mga sikretong kaniyang matutuklasan, handa pa nga rin bang gawin ni Estella ang lahat upang maikasal sa binatang matagal na niyang inaasam? O tulad ba ng ihip ng hangin ay magbabago rin ang isinisigaw ng kaniyang puso? Cover Design by Precious Pages Corp./LIB Books Book Type: Hardbound (With Book Jacket Cover)
Lo Siento, Te Amo (Published by Taralikha) by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 4,141,583
  • WpVote
    Votes 181,903
  • WpPart
    Parts 38
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Si Agnes Salazar y Romero ay ikinasal sa lalaking malabong masuklian ang kaniyang pagmamahal dahil sa matinding galit nito sa pamilyang kaniyang kinabibilangan. Ang kanilang pagsasama ay puno ng lungkot, pasakit, at suliranin. Natuklasan ni Agnes ang lihim ng kaniyang asawa na si Alfredo na tuluyang sumira sa kanilang pagsasama. Nang dahil sa isang aksidente, tuluyang nagbago ang kanilang buhay. Sa muling pagtatagpo ng kanilang landas, magagawa bang balikan ni Agnes ang buhay sa nakaraan? O ang mapait na nakaraan kapiling ang dating asawa ang maging dahilan upang piliin niya ang bagong buhay kasama si Mateo? Hanggang saan ang kayang gawin ng isang taong nalugmok sa pagsisisi, panghihinayang, at pag-ibig? Started: December 31, 2020 Completed: August 9, 2021
Salamisim (Published by Flutter Fic) by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 12,534,788
  • WpVote
    Votes 585,283
  • WpPart
    Parts 39
Ang Unang Serye. "Isang araw, nagising na lang ako sa loob ng kuwentong isinulat ko." Natuklasan ni Faye na nagagawa niyang makapasok sa kuwento na kaniyang isinulat. Ang kaniyang nobelang Salamisim ay tungkol sa pagmamahalan ng isang dalaga na anak ng gobernadorcillo at ng isang binatang nabibilang sa samahan na naglalayong pabagsakin ang pamahalaan. Nakilala ni Faye ang lahat ng karakter na kaniyang pinangalanan. Naranasan niya ang lahat ng eksena na binuo ng kaniyang malikhaing kaisipan. At narinig niya ang lahat ng linya na kaniyang pinaghirapan. Hindi siya naniniwala sa Happy Ending, ngunit paano na ngayong nakilala niya si Sebastian Guerrero? Ang pangalawang tauhan na siyang magiging hadlang sa kuwento. Hanggang saan ang kayang gawin ng manunulat upang protektahan ang kaniyang akda kung mahuhulog ang kaniyang damdamin sa antagonista? Date Started: February 29, 2020 Date Finished: May 26, 2020 Published by Flutter Fic/ Anvil Publishing All Rights Reserved 2020
Binibining Francisco (COMPLETED) by Eager_writer
Eager_writer
  • WpView
    Reads 1,173
  • WpVote
    Votes 377
  • WpPart
    Parts 23
"Almost perfect" kung ilarawan si Cassandra Montemayor ng mga taong humahanga sa kaniya. Halos lahat ng magagandang katangian ay nasa kaniya na: maganda, matalino, mabait at mayaman. Ipinanganak din siyang mayroong maraming pribilehiyong tinatamasa sa buhay. Higit pa sa sapat ang kayang ibigay sa kaniya ng kaniyang mga magulang at ang lahat ng kaniyang gusto ay kaniya ring nakukuha kaagad. Gayunpaman, hindi pa rin siya masaya sa kaniyang buhay dahil sa mga hinaing niyang hindi nalalaman ng mga taong nakapaligid sa kaniya. Isang araw ay nagising na lamang siya sa katawan ng isang ginoo na nabuhay sa taong 1860, panahon pa ng mga Kastila. Si Francisco Catacutan ay isang pangkaraniwang mamamayang Pilipino na naging biktima ng pananakop, pang-aalipin, katiwalian, pagmamalupit, kawalan ng hustisya, at bulok na sistema ng pamahalaan. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nagkapalitan ng katawan ang dalawang tauhan na siyang naging daan upang maranasan at maunawaan nila ang pakiramdam ng mabuhay sa estado at panahong kinabibilangan ng bawat isa.
My Love from 18th Century [COMPLETED] by Eager_writer
Eager_writer
  • WpView
    Reads 9,290
  • WpVote
    Votes 2,053
  • WpPart
    Parts 45
Ang pagbabasa ng nobela ang naging sandigan ni Liam upang matakasan ang magulo at malungkot na reyalidad ng buhay kahit na sa sandaling oras lamang. Sa tuwing nagbabasa siya, pakiramdam niya ay naroon din siya sa loob kwentong kaniyang binabasa. Bilang mambabasa, pinangarap din niyang makapasok sa loob ng paborito niyang kwento o kaya naman ay ang mga paborito niyang karakter ang magkatotoo at pumasok sa totoong buhay. Paano kaya kung magkatotoo ang mga pinapangarap ni Liam?
PAGHILOM by Eager_writer
Eager_writer
  • WpView
    Reads 107
  • WpVote
    Votes 5
  • WpPart
    Parts 5
"Sa piling ng isang mahusay na manggagamot, walang sugat na hindi kayang paghilumin." Kilalanin si Alejandra, isang matapang na binibining hindi eksperto sa larangan ng medisina ngunit mayroong kaalaman sa pagpapagaling. Hangad niyang makatulong sa pag-angat ng kanilang bayang naging biktima ng pang-aapi at pang-aabuso. Paano kung sa gitna ng laban ay matamo niya ang isang sugat na hindi kayang gamutin maging ng pinakamahusay na manggagamot? Isang sugat na tanging ang panahon lamang ang makapaghihilom."