neigelily
"Remember, every mythical creature was once just a story waiting to be told. Your journey is still unfolding."
Ayan ang quote ko dahil isa lamang akong slow learner na estudyante. Ayokong minamaliit ako dahil lamang nakatungtong na sila sa itaas. Nagsusumikap din ako ngunit nakakalimutan ko agad ang mga binasa na akademikong aklat. Isa lamang akong bata na ayaw na ayaw magbasa ng mga libro na galing sa paaralan ngunit kung ang libro ay fantasy ang genre? Isang araw ko lamang yun matatapos.
Nagkasakit ang tatay ko at si nanay ay wala na. Isa akong senior high school student at working student pa. Ang hirap kapag bunso 'no? Iniwanan na kasi ako ng mga kapatid ko at nag-asawa na.
Habang naglilinis ako ng kwarto ko ay naisipan kong tignan ang libro na paulit-ulit kong binabasa. Sobrang luma na ito dahil binili ko ito noong Grade 9 palang ako, hindi ko akalain naabot at makikita ko pang buo sa kwarto. Nagulat ako ng biglang umilaw ito ng sobrang nakakasilaw...
"ᜆᜃ᜔ᜐᜒᜎ᜔!" sigaw ang sumalubong sa akin nang mawala ang ilaw.
Teka! Parang mangkukulam ang pagbigkas niya ha? Ano bang lenggwahe ang ginamit niya? AT NASAAN AKO?! Nilibot ko ang paligid at nagulat dahil wala ako sa kwarto kung hindi nasa gubat ako! Kanina lang ay hawak ko ang libro ko ha?