Bayan Muna?
adirhyiem
**ONE SHOT AU**
SYNOPSIS:
Simula pa lang high school ay matagal nang pinag-iisipan ni Chloe kung saan nga ba siya pupunta pagkatapos grumaduate sa kursong Nursing.
Hindi naman problema sa kaniya ang kurso. Matagal na din niya itong gusto kaya naman hindi na rin siya nahihirapan tuwing tatanungin siya kung ano nga ba talaga ang kaniyang maging gustong trabaho.
Ngayon nga na katatapos lamang ng oath-taking ng mga nurses, pinagde-debatehan na niya sa kaniyang isip kung dito ba muna siya sa Pilipinas o mag-iibang bansa na kaagad.
Kung dito, paniguradong mas mababa ang sweldo niya kumpara sa ibang bansa. Yun ang lamang kapag nag-abroad siya.
Pero dito niya natutunan ang lahat..
San nga ba talaga siya mananatili?