JullieneStar
Gaano ka man kasama sa tingin ng ibang tao. Mandiri man lahat ng tao sa’yo, meron paring iisang tao na handang tanggapin ang mga kamalian at kahinaan mo . . . . Yan ang totoong pag-ibig na makukuha sa isang totoong lalaki na nagmamahal ng totoo.
* * * *
Si Samantha Ross Agcaoili ay isang masayahing babae, may kumpletong pamilya, may supportive na kaibigan. Normal ang lahat para sa kanya.
Ngunit nagbago ang masaya at normal niyang buhay nang hiwalayan at niloko siya ng boyfriend niyang si Calix
Nagbago siya pati ang papanaw niya sa buhay. Marami ring nangyari siya pamilya niya na dumagdag pa sa mga dahilan upang magbago at maging player siya.
"Kayong mga lalaki, iisa lang naman ang gusto niyo. Pareparehas lang kayo . . . . . ang purpose lang naman naming mga babae ay saktan . . . . ngunit, ngayon, hindi na ko papayag na lokohin pa ako ulit ng lalaki."
Ngunit, may isang lalaki na siyang nakakita na hindi siya masaya sa mga ginagawa niya . . . . . . Si Lucas.
"Nakikita ko sa mga mata mo naman talaga gusto ang ginagawa mo . . . . na hindi ka talaga masaya sa mga ginagawa mo.
Siya rin kaya ang magmamahal ng tunay kay Sam? O katulad lang din siya ng ibang lalaki?
Matatanggap niya kaya si Sam matapos ang mga nangyari sa nakaraan niya, sa pamilya niya, at higit sa lahat, sa sarili niya?
* * * * *
“Sa dinami-dami ng lalaking nakasama ko, siya lang ang nagparamdam sakin ng ganun . . . Nag iisa lang siya, wala nang iba. He’s not like the other . . . He’s one of a kind. . . . He’s, the one.”