Freezel series
11 stories
My Stupid Runaway Groom (Freezell #4) [Completed] by Ice_Freeze
Ice_Freeze
  • WpView
    Reads 1,255,857
  • WpVote
    Votes 33,829
  • WpPart
    Parts 29
Warning: MATURE CONTENT | R-18 | COMPLETED Leickel Avria Freezell is the best example of a free spirit. She loves bar hopping, boy hunting and most of all, having fun. Kayang kaya niyang kalimutan ang lahat para lamang sa kasiyahan kaya't ganoon na lamang ang mahigpit na pagtutol niya nang magpasya ang kanyang ina at kakambal na ipakasal siya sa taong nagngangalang Whynter Villafuerte na ni minsan sa buhay niya ay hindi niya nakita. Ang inakala ni Leickel na arranged marriage ay biglang naglahong parang bula nang bigla nalang siyang takbuhan ng taong dapat sana ay mapapangasawa niya. Sa halip na magalit sa ginawa ni Whynter na pag-iwan sa mismong araw ng kasal niya ay natuwa siya sapagka't mananatili pa rin sa kanya ang kanyang puri maging ang kanyang nakasanayang buhay. Masaya na ang buhay ni Leickel, ngunit may isang Ice Summers ang dumating at marami itong baong lihim na maaaring makasakit kay Leickel. Anong magagawa ni Leickel kung unti-unti na pala siyang nahuhulog kay Ice? Paano kung ang hinahangad niya palang saya ay mahahanap niya sa lalaking halos ang buong buhay ay lihim sa kanya? At paano kung ang taong iniisip niyang magbibigay sa kanya ng saya ay ang taong nakatakda palang manakit sa kanya? Freezell Series #4
The Secretive Professor (Freezell #7) [Completed] by Ice_Freeze
Ice_Freeze
  • WpView
    Reads 4,870,270
  • WpVote
    Votes 124,594
  • WpPart
    Parts 35
Warning: MATURE CONTENT | R-18 | COMPLETED Lindzzy Sebastian, mabait, ulirang anak sa mga magulang niya, mapagmahal na kaibigan, hindi marunong lumaban at higit sa lahat inosente sa mga bagay-bagay. Maayos na sana ang buhay ni Lindzzy kahit pa naghihikahos sila sa pera, ngunit isang trahedya ang bumago ng buhay niya. Kinuha ng isang aksidente ang mga magulang niya mula sa kanya, at sa kalagitnaan ng pagtatangis at pagluluksa niya ay bigla na lamang siyang ibinenta ng kanyang tiya at tiyo sa isang illegal na organisasyon na nagbebenta rin ng mga kababaihan. Akala ni Lindzzy ay roon na matatapos ang lahat para sa kanya, ngunit sa gulat niya ay may isang gwapo, matipuno, madilim ang awra at mayaman na lalaki ang bumili sa kanya sa halagang isang bilyong piso. Ano ang magiging lagay ni Lindzzy sa kamay ng lalaking ito? Ano ang mga baon na lihim nito na maaaring maka-apekto kay Lindzzy? At paano kung ang taong bumili sa kanya, ay isa palang professor habang siya naman ay isang estudyante? Ano ang kahihinatnan niya? Freezell Series #7
The Vicious Agent (Freezell #9) [Completed] by Ice_Freeze
Ice_Freeze
  • WpView
    Reads 1,473,501
  • WpVote
    Votes 49,004
  • WpPart
    Parts 34
Warning: MATURE CONTENT | R-18 | COMPLETED Callia Gonzales, isang misteryosa, nakakatakot, malawak mag-isip, at delikadong secret agent. Walang nais sumangga ng landas niya dahil walang nakakaalam sa kung ano ang susunod niyang gagawin. She's not the friendly type- or rather, she's not fond of having friends. Callia's life is too far from perfect. Maraming bumabagabag sa isip niya. Maraming gumugulo sa kaniya. Marami siyang iba't ibang responsibilidad na kailangang gampanan.... at isa na roon ang pagiging alipin sa buhay ng isang sadistang secret agent. The vicious agent wants to claim her whole being, at wala siyang magawa sa bagay na iyon. Lahat ng karapatan ay nasa lalaking iyon. Paano kung isang araw ay gumulo ang mundo? Paano kung biglang sumabog lahat ng responsibilidad ni Callia at wala na siyang kakayahan pang unahin ang mga kailangang unahin? Magagawa ba niyang piliin ang tama at nararapat? Freezell Series #9
The Untamed Actor (Freezell #11) [Completed] by Ice_Freeze
Ice_Freeze
  • WpView
    Reads 1,363,898
  • WpVote
    Votes 42,599
  • WpPart
    Parts 39
Warning: MATURE CONTENT | R-18 | COMPLETED Syreen Elieja Averde, is a woman of principle. Basta hindi pasok sa prinsipyo niya, wala siyang pakialam kahit sino pang masaktan. Para sa kaniya, lahat nang gagawin natin ay may kabayaran at lahat ay siguradong may kapalit. She's talented, skilled, and lovable. She's a former secret agent and now a professor in college. May ugali siyang hindi niya kayang ipreno ang gusto niyang sabihin dahil para sa kaniya ang pagiging prangka ay isa sa katunayan na hindi ka plastik. She knows what she wants in life-and that is to be love. Wala siyang ibang gusto kung hindi ang mahalin nang walang halong panloloko at kagaguhan. Alam niyang nadapa siya noon nang piliin niyang mahalin ang taong akala niyang totoo sa kaniya, na siya palang gugunaw ng mundo niya dahil isa lamang itong gagong manggagamit at walang ibang kayang intindihin kung hindi ang sariling nararamdaman at mga kagustuhan. Tahimik at masaya na siya sa bago niyang buhay malayo sa mga baril, patalim, granada at mga misyon. Ayos na ayos na siya sa buhay niya. . . ngunit bigla na lamang bumalik ang hayop na lalaking gumamit sa kaniya noon at ngayon ay nais guluhin ang maayos niyang mundo. Anong dapat niyang gawin para muli na namang takasan ito? Anong dapat niyang gawin para makalaya sa mga mata nitong tila mga mata ng agila sa talim? Saan niya huhugutin ang tapang na tumakbo muli palayo, kung ang mundong ginagalawan nila. . . ay pilit pinag-iisa?
My Naughty Boastful Boss (Freezell #2) [PUBLISHED UNDER PSICOM] by Ice_Freeze
Ice_Freeze
  • WpView
    Reads 10,584,255
  • WpVote
    Votes 208,002
  • WpPart
    Parts 45
Warning: MATURE CONTENT | R-18 | COMPLETED PUBLISHED UNDER PSICOM Avrein Laiclei Freezell is not your typical woman. She loves wearing manang get ups, big and round eyeglasses, and having no makeup at all. Hindi siya natatanggap sa mga inaapplyan niyang trabaho dahil sa mga katangian niyang iyon. Everytime she tries, she ends up failing, kaya't ganoon na lamang ang tuwa niya nang matanggap siya bilang sekretarya ng isang kilalang bachelor sa bansa na si Vience Kent Montealegre. Inakala ni Avrein na magiging smooth sailing na ang pagiging sekretarya niya ngunit nagkamali siya. May katangian ang boss niya na hindi niya inakala. Bastos ito at mayabang! Madalas niya itong nahuhuling gumagawa ng milagro ngunit pinagsasawalang bahala niya dahil bukod sa ayaw niyang mawalan ng trabaho, ay hindi naman daw siya nito gugustuhin. Ang akala ni Avrein na normal na pag-ikot ng mundo niya ay biglang nagbago! Despite of her appearance, her naughty boss began to show actions that he's beginning to like her. Hindi niya alam kung anong gagawin at hindi niya alam kung anong iaakto ukol dito. Paano na ang tahimik na mundo ni Avrein? Paano niya haharapin ang mga past relationships ng boss niya na ngayon ay gumugulo sa kanya? At paano niya tatanggapin sa sarili niya na nakararamdam na siya ng kakaiba para sa boss niya? FREEZELL SERIES #2
Debt and Pleasure [Completed] by Ice_Freeze
Ice_Freeze
  • WpView
    Reads 11,451,285
  • WpVote
    Votes 275,816
  • WpPart
    Parts 56
WARNING: MATURE CONTENT | R-18 | COMPLETED | S T A N D A L O N E N O V E L | All she ever wanted was to be happy. Hindi siya ang tipo ng taong mapaghangad ng mga bagay na hindi niya maaabot o mayayakap. Kaya naman halos takasan siya ng bait nang dumating ang araw na kinailangan niyang unahin ang sarili bago ang iba. Alam niyang hindi magtatapos ang lahat sa paghingi lang ng kapatawaran sa mga naapektuhan dahil kahit saang anggulo mang tingnan, malaki ang kasalanan niya at walang ibang maaaring sisihin kundi siya lamang. Nang hilingin ng taong pinagkakautangan niya ang pagsuko niya ng kanyang sarili dito upang mabayaran ang napakalaking pagkakautang, wala siyang ibang nagawa kundi isuko na lamang ang sarili. Hindi na siya umaasang magiging maayos pa ang pagtrato nito sa kanya lalo pa't terible ang atraso niya rito. Ngunit may kakaiba sa paraan ng pakikitungo nito sa kanya na ayaw niyang bigyan ng pangalan. Naroon lang siya upang magbayad ng malaking pagkakautang. Ayaw niyang umasa, at mas lalong ayaw niyang masaktan. Hanggang kailan niya kayang manindigan na tanging paniningil lamang sa kaniya ang pakay nito kung habang tumatagal ay lalo lang siyang hindi makawala rito? Hanggang kailan tatagal ang pagbabayad niya kung wala rin itong balak na pakawalan siya kahit na kailan? -- THIS IS A STAND ALONE NOVEL! This has NOTHING to do with Freezell Series.
The Arrogant Client (Freezell #6) [Completed] by Ice_Freeze
Ice_Freeze
  • WpView
    Reads 1,452,290
  • WpVote
    Votes 42,501
  • WpPart
    Parts 30
Warning: MATURE CONTENT | R-18 | COMPLETED Highest Rank/s: #1 - Mature 09/19/20 #3 - General Fiction 12/12/20 Griss Nairen Heiton, kilalang boyish, tibo, maangas, warfreak, ngunit may malambot na pusong secret agent. Lumaki siyang ultimo kuya at Daddy niya ay animo lalaki ang turing sa kanya. Masaya si Griss sa takbo ng buhay niya, ngunit isang araw ay tila naalog na lamang ang magandang inog ng mundo niya. Kinausap siya ng head chief ng organisasyon nila na kailangan niyang bantayan ang isang aroganteng COO. Walang iba kung hindi ang taong bata pa lamang sila ay mortal na niyang kaaway, ang taong walang ibang ginawa kung hindi sirain ang maganda niyang araw, at ang taong masasabi niyang kaibigan niya ngunit pinakamalaking kupal ng buhay niya. Hanggang saan kayang tiisin ni Griss ang pagiging arogante, kupal at ka-abnormalan ng lalaking ito? Hanggang kailan niya ito kailangang bantayan? Paano kung sa bawat kilos nito ay tila binabagabag nito ang utak niyang malaki na nga ang saltik ay mas lalo pang lumalala? Paano na ang kayabangan niya kung ito siya at binabantayan ang taong mas mayabang pa pala sa kanya? Paano na kung pati ang puso niyang matagal niyang pinrotektahan ay bigla na lamang pasukin ng aroganteng ito? Makakatakas pa ba siya o siya na mismo ang susuko sa kanyang aroganteng kliyente? Paano na? Freezell Series #6
The Distressed Racer (Freezell #8) [Completed] by Ice_Freeze
Ice_Freeze
  • WpView
    Reads 1,669,763
  • WpVote
    Votes 59,299
  • WpPart
    Parts 34
Warning: MATURE CONTENT | R-18 | COMPLETED Highest Rank/s: #1 - Humor 12/25/20 Jice Isaiah Saavedra, kilala sa pagiging pambansang bunganga, pambatong manok ng bayan, malakas bumanat, kayang-kayang isabak sa online rambulan, at ang babaeng ilalaban ka kahit pa patayan. Masyado siyang palaban sa lahat ng bagay, at masasabi mong walang inuurungan. Walang sinasanto ang bibig ni Jice kahit pa ang taong kailangan niyang kalingain- Hindi, huwag na natin pagandahin pa, ang taong kailangan niyang i-babysit. Naatasan si Jice na maging yaya ng isang emotionally distressed na racer kahit na sa una pa lamang ay hindi na niya alam kung paano pakikitunguhan ang taong ito. Anong mangyayari kay Jice kung magtatagal pa siya sa pamamahay nito? Maapektuhan din kaya ang isip niya ng kondisyon nito? O ang puso na ni Jice ang maaapektuhan ng karisma nito na kahit ang bibig niyang walang preno ay natatalo? Freezell Series #8
The Indecent Suitor (Freezell #10) [Completed] by Ice_Freeze
Ice_Freeze
  • WpView
    Reads 1,048,579
  • WpVote
    Votes 35,336
  • WpPart
    Parts 34
Warning: MATURE CONTENT | R-18 | COMPLETED Lhayanna Alex Almeda, a young sweet girl with a simple dream... and that is to be with her greatest love, ngunit tila madamot ang pagkakataon at tadhana para sa kaniya. Hindi niya pa nararanasan na mahalin pabalik, ay nabasag na siya. She was crushed.... her whole self... her whole being. Sa pagbabagong nangyari sa buong pagkatao ni Alex ay tila hindi iyon naging madali para sa mga taong nakapaligid sa kaniya, lalo na sa taong bumasag mismo sa dating pagkatao niya, ngunit wala na siyang pakialam. He broke her, she became ruthless. He crushed her, she exceeded the word heartless. Kung sino na lang ang gustong manatili, ay manatili. Lahat ng gustong umalis, umalis. Maayos na ang lahat para sa kaniya. She loves her new self, and her new fearless personality. Ngunit paano kung ang nakaraan niyang bumasag sa kaniya ay nagbabalik kasabay ng mga lihim na hindi niya na nais pa sanang malaman? Paano kung pilit nitong ibinabalik ang katauhan niyang ayaw na niyang balikan kailanman? Freezell Series #10
My Impulsive Ex Boyfriend (Freezell #3) [Editing] by Ice_Freeze
Ice_Freeze
  • WpView
    Reads 1,285,377
  • WpVote
    Votes 7,086
  • WpPart
    Parts 4
Warning: MATURE CONTENT | R-18 | COMPLETED Leyvance Azarei Freezell, a very successful model with a strong personality. She likes the fame, red carpet, and attention. She likes everything about her career except for someone's attention, her ex-boyfriend's attention, Dreik Laugthner. Dreik follows her everywhere she goes, nagugulat na lamang siya na naroon na ito sa lugar kung nasaan siya. Sa tuwing may magtatangkang lumapit sa kanyang lalaki ay bigla na lamang itong lilitaw kung saan at siguradong magkakapasa ang lalaking iyon sa mukha. Gustong gusto na ni Vance na mawala sa landas niya si Dreik, ngunit tuwing lilingon siya sa nakaraan niya ay nakikita niya ang nakaraan nila ni Dreik na nagpapaalala sa kanya ng pagmamahal niya sa binata at ang naging dahilan ng pagsuko niya sa relasyon nila. Takbuhan man niya si Dreik ng isang daang beses, ay isang daan at isang beses din itong babalik sa kanya at ipararamdam ang lubos na pagmamahal nito. Mapagod kaya si Dreik sa paghabol sa kanya? Makuha kaya ni Dreik ang hinahangad niyang paliwanag mula kay Vance sa pagsuko sa relasyon nila? At maibalik pa kaya nila ang nakaraan na mukhang lumipas na? Freezell Series #3