MolinaMary6's Reading List
5 stories
Im Inlove With The Billionaire by Asteriasolaris
Asteriasolaris
  • WpView
    Reads 385,184
  • WpVote
    Votes 5,772
  • WpPart
    Parts 52
Lumaki sa hirap si Sofia Mendoza Williams. Bunga siya ng isang gabing pagkalimot ng mama niya noong nagtratrabaho ito bilang waitress sa bansang Singapore. Ang sabi ng mama niya Australiano ang ama niya, makikita naman ito kay Sofia dahil matangkad siya, maputi, matangos ang ilong at maganda ang mga mata at pilikmata, artistahin ang mukha ika nga. Mas pinili ng mama niya na huwag ng hanapin ang nakabuntis sa kanya at palakihin na lang siyang mag isa. Habang nasa ibang bansa ang mama niya ay nagtitinda ng isda sa palengke si Sofia kasama ang kanyang lola. Hindi siya nakapagtapos ng kolehiyo dahil sa kakulangan nila ng pera. Konti lang kasi ang sahod ng mama niya doon sa ibang bansa kaya mas pinili na lang ni Sofia na tumulong kesa sa mag aral ng kolehiyo. Charles Fortalejo, bilyonaryo ang angkang pinagmulan. Nag iisang anak lang siya at nag iisang tagapagmana ng mga Fortalejo. Madaming babaeng nagkakandarapa sa kanya. Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa napakaguwapo ng lalake, bilyonaryo pa. Alam niyang anytime ay pwede siyang mapikot kaya nag iingat siya sa tuwing makikipag flirt siya sa mga babae. Nagkrus ang landas nila ni Sofia ng minsang masangkot sila sa isang holdapan sa isang grocery store. Iniligtas siya ni Sofia sa kamay ng mga holdaper na yon sa sarili nitong paraan. Nang magkahiwalay sila ay hindi niya man lang naitanong ang pangalan nito. At isang araw ay natagpuan na lang ni Sofia ang walang malay na si Charles sa dalampasigan. Kinupkop niya ito at binigyan ng tahanan pansamantala habang hindi pa ito magaling sa mga tinamong sugat. What if they fall in love with each other? Kaya bang humalik ng langit sa lupa?Pero paano kung nakatakda na palang magpakasal sa iba si Charles at malaman ito ni Sofia?
Dosage of Serotonin by inksteady
inksteady
  • WpView
    Reads 45,199,361
  • WpVote
    Votes 1,389,624
  • WpPart
    Parts 47
Started: 04/27/2021 Ended: 08/24/2021 Ang hirap palang tumanda. Ang hirap magbayad ng bills. Ang hirap suportahan ng pamilyang akala ay isang milyon ang suweldo mo. Ang hirap ngumiti sa nanay na mataas ang tingin sa'yo pero hindi ka kayang ipagtanggol. Ang hirap tabihan sa hapagkainan ng tatay na pinag-uubusan mo ng pera pero hindi ka maalala. Ang hirap mag-abot ng tulong sa kapatid na baon sa utang. Ang hirap intindihin ng hipag na nakakapagpa-rebond pa kahit kapos na kapos na. Ang hirap pakisamahan ng bunsong halos ilahad ang mga palad tuwing makikita ka. Ang hirap ngitian ng mga taong tanong nang tanong kung bakit hindi ka pa nakakapag-asawa. Ang hirap humarap sa mundong isasampal sa'yo na mag-isa ka. Tulong, bigay, utang. Isang iling mo lang, madamot ka na. Kasama mo sila kapag may maibibigay ka, pero hindi mo sila mahahanap kapag wala na. Ikaw ang kakayod, sila ang tutuka. Ikaw ang iiyak sa pagod, sila ang magtatamasa. Iyon ang summary ng buhay ko. Sobra-sobra ang naririnig na paghingi, kulang na kulang ang naririnig na pasasalamat. Sobra-sobra ang pagpapasensya, kulang na kulang ang natatanggap na pagpapahalaga. Sobra-sobra ang binabayaran, kulang na kulang sa kasiyahan. Kaya nang dumating sa buhay ko ang nag-iisang lalaking hindi ako nakita bilang naglalakad na alkansya, ang nag-iisang lalaking nakinig sa mahabang listahan ko ng problema, ang nag-iisang lalaking nagbigay sa akin ng kakaibang saya, ipinangako ko sa sarili na sa gitna ng hirap ng pagtanda, magtitiis ako basta't siya ang kasama. Kahit pa ang kapalit noon ay pagtalikod sa minahal na pamilya. Kahit pa ang kapalit noon ay paglaban sa mundong pinatatakbo ng kapangyarihan at pera. Kahit pa ang kapalit noon ay ang pagdurusa't pag-iisa. Siya ang ginhawa, pahinga, at kasiyahan ko. Dumating man ang araw na tanaw ko na ang dulo. Dumating man ang araw na wala na kaming sagot sa lahat ng bakit at paano. Dumating man ang araw na pareho na kaming talo.
Angel in Disguise by alyloony
alyloony
  • WpView
    Reads 42,355,538
  • WpVote
    Votes 838,714
  • WpPart
    Parts 61
Once upon a time, I am the biggest jerk in the world, until I met this crazy little angel, and everything turns upside down.
Sa Taong 1890 by xxienc
xxienc
  • WpView
    Reads 167,088
  • WpVote
    Votes 5,035
  • WpPart
    Parts 77
Siya si Chestinell Del Veriel Cavillian. Mula sa taong 2020. Isang babaeng laging nasa mali-tingin ng kanyang pamilya. Ninais niyang mawala ang paghihirap sa buhay niya. Nagkaroon siya ng pagkakataong makapunta sa nakaraan upang maitama ang mga bagay, at magiging dahilan ng pagbabago ng buhay niya sa hinaharap.
His Secret Wife by nininininaaa
nininininaaa
  • WpView
    Reads 48,846,840
  • WpVote
    Votes 301,576
  • WpPart
    Parts 14
[SARMIENTO SERIES #1] I'm Cassandra Talavera or should I say, Cassandra Talavera-Sarmiento. And being his wife is my biggest secret. Published under PSICOM Publishing Inc. Available in all bookstores nationwide for only 150 pesos. There's a special chapter included in the book which is not available here on Wattpad. Highest Ranking: #1 Romance