guikey
Maraming simple sa mundo. At, maaari tayong mapasaya nito, kahit pa namumuhay tayong nasa ordinaryo lang na estado sa buhay.
Pero sa kabilang banda, may mga tao rin namang namumuhay, na hindi abot kahit ang mga simpleng bagay na iyon.
Kung para sa atin, simple na ang maraming bagay..
Pangarap naman iyon para sa iba.
Ganun pa man, wala paring tigil ang panahon sa paggawa ng pagkakataon para sa bawat isa, sa atin.
Namumuhay tayo na madalas, naka-lingon sa itaas kung saan naroon ang mga pangarap natin sa buhay..
Pero, huwag din sana nating kaligtaan ang lingunin silang nasa ibaba, kapag itinulak sila sa atin ng pagkakataon.
Dahil kapag nagbiro ang tadhana..
Baka sa gawing iyon pa pala natin makita ang bagay na, makapagbibigay sa atin ng tunay na kasiyahan sa buhay.