honeybunnylove's Reading List
1 story
GALAMAY  by honeybunnylove
honeybunnylove
  • WpView
    Reads 81
  • WpVote
    Votes 8
  • WpPart
    Parts 4
HINDI KO ALAM KUNG PAANO ako napunta rito. Kanina lang, naglalakad ako sa tabing-ilog, hinahabol ang malamig na simoy ng hangin. Ngayon, nasa tubig na ako at may kung anong bumabalot sa akin. Mainit at madulas ang galamay na lumilingkis sa aking braso. Isa. Dalawa. Tatlo. Napakarami. Hindi ko na mabilang. Pilit kong itinutulak, kinakalas, kinakalmutan, pero mas lumalakas pa ang kapit nito. Hinila ako pababa. Nakalunok ako ng tubig. Nagsisipa ako, nagwala, pero parang lalo lang itong natuwa sa ginagawa ko. Sinubukan kong sumigaw, pero bula lang ang lumabas saking bibig. At saka ko ito nakita. Sa pagitan ng malalabo kong mata, may nakangising pigura. Hindi ko masabi kung tao o halimaw. Pero alam kong gusto nitong makita akong malunod. Ang huling naisip ko bago tuluyang lamunin ng dilim ay isang tanong: BAKIT AKO PA? -***- This is the prologue of GALAMAY series.