kathayana
- Reads 43,068
- Votes 549
- Parts 35
Warriors of San Marcelino Series #3
Ayokong magtampisaw sa ulan para maranasan ang kakaibang kasiyahan kung sisipunin pagtapos. Gusto kong manood ng mga batang naglalaro roon. Ang tanda ko na para magtampisaw, mamatahin ako ng mga tao. Hindi para sa akin ang ulan.
Ayokong maging ulan na makakaperwisyo sa marami para maibigay ang nais ng mga malapit sa akin. Mababasa ko nga ang mga puno ngunit mababasa ko rin ang mga tao. Uulan na lang ako sa dilim; sa hindi mataong lugar.
Ayokong ugnayan ang ulan dahil ang lamig nito'y pinapalabas ang gusto kong itago. Ayoko ngang magtampisaw sa ulan pero sa tuwing kailangan ko ng masasandalan nand'yan siya. Ang sarap huminga sa hanging dala ng ulan. Nakakagaan sa pakiramdam.
Nakakawala ng mga iniisip ang lamig ng patak; hindi ko mapigilang magpahatak.
Started: July 17, 2025
Ended: November 22, 2025