Shy_first
- Reads 3,591
- Votes 274
- Parts 59
Sa marangyang mundo ng Kingston family, lumaki ang isang adopted daughter na si Amethyst Crystal Kingston, ang nag-iisang prinsesa sa tahanan ng tatlong kilalang baklang magkakapatid-si Xinze Ece, ang eleganteng panganay; si Xin Lue, ang sweet at maalaga; at si Xinzue Ezekiel, ang pinaka-masungit at pinaka-misteryoso.
Mahal na mahal nina Xinze Ece at Xin Lue si Amethyst bilang kapatid...
Pero si Xinzue Ezekiel?
Hindi siya maka-sundo ni Amethyst, kahit kailan. Lagi siyang cold, rude, at prangka. Hindi maintindihan ni Amethyst kung bakit siya lang ang hindi tanggap ng bunsong Kingston.
Pero habang tumatanda sila, unti-unti nilang napapansin -
ang tensyon.
Ang selos.
Ang mga tingin na hindi dapat makita.
Ang damdamin na hindi pwedeng mabuo.
Hanggang sa isang araw, nagsimulang magbago ang lahat.
Ang tatlong baklang magkakapatid, na walang planong umibig, ay sabay-sabay na nakakaramdam ng hindi dapat... para sa iisang babae na kasama nila sa iisang bubong.
Sino ang pipiliin ni Amethyst?
Sino ang lalaban hanggang huli?
At sino ang masasaktan?
Isang kuwento ng forbidden love, desire, rivalry, jealousy, at heartbreaking truths.
Sa Kingston Mansion, walang lihim ang nananatiling nakatago.
Welcome to The Gay Brothers' Forbidden Desire-
kung saan bawal ang pag-ibig, pero hindi ito kayang pigilan.