pinkcheese_cake
- Reads 170
- Votes 27
- Parts 15
Nagising ka sa isang magandang kwarto at napagtanto mong nasa isang hotel ka. Ang nakapagtataka lamang ay may kakaiba sa hotel na iyon. Malaki, malawak, at parang napabayaan na.
Sumilip ka sa bintana, tanging dagat lang sa 'di kalayuan ang iyong natanaw. Paano kang napunta sa isla na 'yan?
Lumabas ka ng kwarto para mag-ikot sa buong hotel. Wala kang makitang mga tao at ang pinakamasaklap... wala kang nakitang daanan palabas.
Anong gagawin mo?