wanshewrites
Naniniwala naman ako sa katagang what's meant for me will always find its way to me. Ilang beses ko na rin kasi iyan nasabi sa sarili ko. Kumbaga, mantra ko na ang katagang 'yan sa buhay.
Tuwing may hindi inaasahang pangyayari, sinasabi ko na lang na baka redirection ang nangyari, nililihis lang ni Lord sa tamang daan ang mga desisyon ko sa buhay. Tuwing may hindi ako nakukuhang gusto ko, siguro nilalayo lang ako ni Lord sa mga bagay na hindi para sa akin.
You see, I always try to see the brighter side every time I encounter things that don't go my way. Hindi naman kasi matatapos ang buhay ko kung hindi ko nakuha ang mga 'yon.
Pero... nakakapagod din pala, ano?
Nakakapagod na tuwing may nangyayaring masama, iyan lang ang napanghahawakan ko. Parang gina-gaslight ko na lang ang sarili ko sa katotohanang hindi talaga para sa akin ang mga bagay na gusto ko.
Bakit ba kasi hindi na lang iyong gusto ko ang mangyari? Bakit kailangan ko pang hintayin ang nakalaan para sa akin? Hindi ba puwedeng kung ano ang gusto ko, iyon din ang maging para sa akin?
💌: Kaifi Khalil Yahani 𐙚