furgusmacloud's Reading List
19 stories
Stress Free Zone by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 6,484
  • WpVote
    Votes 424
  • WpPart
    Parts 10
Stress ka ba? Saan? Kanino? Keber na lang. Laughter is the best medicine, beh. Make sure lang na hindi ka napaglilipasan ng gutom, at tumatawa man mag-isa ay hindi mo naman pinaiikot ang dulo ng buhok sa iyong hintuturo upang hindi matulad sa writer ng mga kalokohang itey. Ahaha. Huwag kunsumihin ang sarili, at hayaang si Problema ang mamroblema sa'yo. Believe me, bebe kong mahal. Ang problema parang gutom, lilipas din 'yan. Ahehe. Pause muna tayo sa mga complicated things and issues, at mag-relax. Ang nilalaman ng librong ito ay halo-halong kung ano-ano, kaya huwag umasa ng lalim dahil mabibigo ka lang. Ang main goal is mapangiti ka kahit nako-kornihan ka na. hehe. Well, sana. Jokes (clean and green), mga istoryang walang katinuan at puro kabalbalan. Paliliguan at bibihisan ng writer ang kung anik-anik na kwento of old days. Real talk and joke talk. Huwat? Joke talk? (imbento lang, naubusan na ng english. Limited ang vocabulary. Ngek!). Makigulo at makiloko sa wariwat na utak ng writer. Enjoy-enjoy lang and let's have fun. Awkie? Smile everyone! Labs yah! :-) ~ ajeomma Copyright © 2017 All Rights Reserved
The Confessions of an Unfaithful Wife #1 by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 207,847
  • WpVote
    Votes 997
  • WpPart
    Parts 4
Paano kung dumating ang pag ibig na hindi na maaaring angkinin? Lalaki lamang ba ang maaaring patawarin kapag nagkamali? Sadya bang ang paghusga ay ipinapataw agad kahit ang paliwanag ay hindi pa naririnig? Totoo ba o gawa-gawa lamang ng malisyo at makitid na isipan? Alamin natin ang unang kasaysayan ng isang... makasalanan? UNFAITHFUL WIFE CONFESSION #1- MRS. MIRAFLOR BABALA: May mga eksena at pananalitang hindi angkop sa mga batang mambabasa at may sensitibong pananaw. SPG Content. Copyright © ajeomma All Rights Reserved
The Untold Real Stories by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 220,063
  • WpVote
    Votes 6,378
  • WpPart
    Parts 31
Ang lahat ng pangyayari ay pawang tunay na karanasan ng totoong tao sa totoong lugar at pagkakataon. Ospital Karanasan ng isang ginang sa ospital matapos ng kanyang operasyon. Malik-mata Ano ang pangyayaring naganap sa kanyang asawa na nakita niya sa itaas ng bubungan? Yabag Paano maipapaliwanag ng inyong isipan ang naririnig at nararamdaman, lalo na kung malalaman ninyong narinig din pala ng iba? Terrace May bisita ka ba? Guni-guni bang matatawag kung dalawa kayong nakakita?
Bakanteng Nitso by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 411,894
  • WpVote
    Votes 1,696
  • WpPart
    Parts 4
Si Domeng ay isang sepulturero. Siya na rin ang ginawang tagapagbantay sa sementeryong malapit sa kinatitirikan ng maliit niyang bahay. Dahil sa mga patay kaya nagagawa niyang buhayin ang kanyang pamilya. Maliit man ang kanyang kinikita ay hindi naman sila sumasala sa oras. Kahit paano ay nagagawa pa niyang makapagtabi para sa pangangailangan ng nag-iisang anak. Subalit, ang gusto ng kanyang asawa ay maginhawang buhay. Mahal niya ito kaya naman kung ano ang nais ay gusto niyang maibigay. Ngunit... paano? Ano ang kanyang gagawin upang mapagbigyan ito sa hinihiling? Matulungan kaya siya ni Alister- ang lalaking may dilaw na mata? Ano ang hiwaga sa loob ng Bakanteng Nitso? Matakasan kaya niya ang malagim na magaganap? Horror/Mystery-thriller Copyright © ajeomma All Rights Reserved
Anna Marga Rita (Lagim ng Nakaraan)  by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 613,705
  • WpVote
    Votes 2,332
  • WpPart
    Parts 5
Kuwentong ang TWIST ay may iba pang TWIST. Akala mo alam mo na; akala mo nahulaan mo na; akala mo tama ka na... pero may malalaman ka pa. Mas detalyado at siksik sa kaganapan. Sana magustuhan niyo, mga beh. Maraming salamat po. "Tama na Marga! Nakikiusap ako sa'yo, itigil mo na ang lahat ng ito!" umiiyak na pakiusap ni Anna. "Itigil?! Isa kang ipokrita, Ate! Alam mo sa iyong sarili na ito ang gusto nating mangyari!" Galit na galit na sigaw ni Marga. Si Rita naman ay nasa sulok lamang at walang patid sa pag-iyak habang ang dalawang palad ay nakatakip sa magkabilang tainga. "Magbabayad silang lahat! Hindi ako makapapayag na sila ay masaya habang tayo ay patuloy na nagdurusa! Papatayin ko silang lahat! Papatayin ko silang lahaaaaat!" Muling sigaw ni Marga na sinabayan ng matinis na halakhak. Umaagos ang luha sa mga matang nanlilisik sa tindi ng poot at pagkasuklam. Magkakapatid na magkakamukha, subalit magkakaiba ang ugali at paniniwala. Ano ang pinag-ugatan ng labis na galit ni Marga? Mapipigilan pa ba siya ng dalawang kapatid? Saan hahantong ang lahat? Credits to momhienidadhie for the cover. Copyright © ajeomma All Rights Reserved
Ang Bahay ng Lagim by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 446,864
  • WpVote
    Votes 1,988
  • WpPart
    Parts 5
Sa tuwing nalalapit ang pagdiriwang ng mahal na araw sa San Ronquillo ay hindi na mapakali ang mga naninirahan dito. Pinaniniwalaang muli na namang makikita ang isang bahay kastila sa pusod ng kagubatang malapit sa kanila. Muli na naman silang makaririnig ng nakakikilabot na panaghoy sa hatinggabi... na nagmumula sa tinatawag nilang bahay ng Lagim! At sa pagsapit ng Biyernes Santo kung saan patay raw ang Diyos ay muling magaganap ang isang malagim na kamatayan para sa mga darayo rito. Sina Aldo, Josh, Butsoy, Reynalyn at Milen ang magkakabarkadang mapupunta sa baryong ito. Ang NOON at NGAYON ay pagtatagpuin sa isang pagkakataon; sa malagim na sitwasyon. Totoo nga kaya ang kuwento tungkol sa Bahay Kastila? May makaligtas kaya sa kanila? cover by: Wacky Mervin ( salamat po) Copyright © ajeomma All Rights Reserved
SBAATSB 2- Anghel ng Baryo Masapa by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 313,893
  • WpVote
    Votes 1,550
  • WpPart
    Parts 4
Si Baste at ang tubig sa Bukal Book 2 Halika na at muli mo akong samahang tunghayan ang kasaysayan ng isang kakaibang paslit na nagngangalang Anghel... ang anak ng isang Alamat. ~ ** ~ "Awooo!" Malakas na alulong ni Balbon upang ibalita sa pangkat ng mga lobo ang pagsisilang ni Rosalia. Hindi ito mapakali sa bawat pag-iri at pagsigaw ng nanganganay na ginang. "Huwag ka riyan umumang sa pintuan, Sebastian! Lalong mahihirapan sa panganganak ang asawa mo. Dumoon ka na muna sa labas." Natatarantang sabi ni Minyang sa pamangkin. Agad namang sumunod ang ama ng sanggol na isisilang . Sa likod bahay ito nagpabalik-balik habang nilalamukos ang sariling mga kamay. Mayamaya pa ay... "Uha! Uha!" Napatalon si Sebastian sa kagalakan at humahangos na pinuntahan ang kanyang mag-ina. Samantala... "Awooo..." Muling alulong ni Balbon upang ibalita sa lahat ng nilalang sa loob ng kakahuyan ang pagsilang ng isang sanggol na lalaki. Ang paslit na nagtataglay ng kakaibang kapangyarihan at nakatalagang gumanap ng malaking papel sa MASAPA ayon sa librong pinangangalagaan ng mahiwagang Ingkong. Si Baste, ang kanyang amang nakatagpo sa mahiwagang tubig sa bukal... tuluyan na kayang nabura sa alaala nito ang mahihiwagang nilalang na naging kaibigan? Ano-ano ang panganib na haharapin ng mag-ama upang mapangalagaan ang mga kababaryo at ang kakahuyang tirahan ng mga nilalang na tanging sila lamang ang nakakarinig at nakakakita? Copyright © ajeomma All Rights Reserved
Si Baste at ang Tubig sa Bukal  by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 367,077
  • WpVote
    Votes 3,902
  • WpPart
    Parts 10
"Bakit lagi nila ako niaaway? Hindi ko naman sila niaano, a." Humihikbing sumbong ni Baste sa alagang aso. Tila nakakaunawa, ikiniskis naman ng aso ang ulo sa braso nito. Binata na si Baste kung pagbabasihan ang panlabas na kaanyuan, subalit ang isip nito ay kahalintulad ng isang musmos, inosente't walang muwang. Madalas ay tampulan ng tukso at ginagawang katatawanan ng ibang tao. Ang lahat ng pagdaramdam ay idinadaan na lamang nito sa tahimik at impit na pag-iyak. Datapuwa't may kakulangan, si Baste ay may kakayahang makakita ng 'di pangkaraniwang nakikita ng ordinaryong mga mata. Subalit, paano siya paniniwalaan ng mga taong ang tingin sa kanya ay sintu-sinto at kulang-kulang? Ano ang magiging kaugnayan niya sa bukal? Anong hiwaga ang matutuklasan niya sa tubig? Ano ang magiging kapalit ng kanyang pagtitiis at pagpapakumbaba? Sama-sama nating tunghayan ang kanyang kasaysayan........ Copyright © ajeomma All Rights Reserved
Bakanteng Nitso 4 by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 155,465
  • WpVote
    Votes 1,658
  • WpPart
    Parts 5
Alister RETURNS- Bakanteng Nitso book 4 Nabigo si Alister na madala sa impyerno ang kaluluwa nina Ada at Apa dahil tinalo ito ng wagas na pag-ibig ng binata para sa kaibigang matagal na pa lang minamahal. Ngunit hindi matanggap ng lalaking may dilaw na mata ang kabiguan. Nangako itong magbabalik upang iharap ang kanilang kaluluwa sa kanyang panginoong Lucifer... sa anumang paraan! "Walang makatatakas kay Alister!" Umuugong nitong sigaw na sinundan ng mapanlinlang at tusong halakhak. Bakanteng Nitso 4 Copyright © ajeomma All Rights Reserved
SBAATSB 3- Ang SUGO by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 157,899
  • WpVote
    Votes 1,539
  • WpPart
    Parts 5
Nagbalik ang alaala ni Sebastian. Alam na niyang siya si Baste, ang tinutukoy sa Alamat na nakatagpo ng mahiwagang tubig sa bukal. At si Anghel, ang naging bunga ng pag-iibigan nila ng matalik na kaibigang si Rosalia. Ang anak ng Alamat na naging katuwang ng ama sa pagliligtas ng Baryo Masapa sa tiyak na kapahamakan. Muli siyang magbabalik taglay ang misyong palaganapin ang kapayapaan sa lahat ng dako. Sa patnubay ng mga makapangyarihang nilalang na naninirahan sa loob ng kakahuyan. Sa tulong ng mga hayop na nagagawa niyang kausapin sa pamamagitan ng isip lamang. Samahan natin siya sa pagganap ng dakilang tungkuling iniatang sa kanya. Si Anghel, ang anak ni Sebastian. Siya... Ang Sugo Paunawa: Ang kwentong ito ay karugtong ng Si Baste at ang Tubig sa Bukal at Anghel ng Baryo Masapa. Upang maiwasan ang pagkalito, mangyaring tunghayan muna ang mga naunang kwentong nabanggit. Salamat po.. --**--ajeomma--**-- Copyright © ajeomma All Rights Reserved