xdiasaurx
Parang rosas sa ganda at bango ang pangalan ng isang Alton Moretti dahil sa ganda ng kaniyang karera sa buhay. kuntento at wala ng mahihiling pa si Alton. Ngunit isang trahedya ang nangyari dahilan kung bakit biglang nagbago ang lahat sa isang iglap lamang. Ang dating kalmante, at pasinsyanteng paguugali ay napalitan ng poot, pagkamuhi, at galit sa lahat.
Hindi na mabilang sakaniyang palad kung ilan na ba ang kaniyang pinalayas at pinagsaraduhan ng pintuan, hanggang sa ipakilala sakaniya ng kaniyang Nonna ang isang misteryosang dalagang may inosenteng mga mata at maamong mukha na siyang kaniyang ikinabahala. Paano niya patuloy na ipagtabuyan ang dalaga sakaniyang tabi kung isang matamis na ngiti lamang ang masilayan niya sa mapupula nitong labi ay parang matutunaw na ang yelong nakabalot sakaniyang puso.
***
Kapalaran, hinaharap, pag-ibig at tiwala ang nakasalalay sakanilang mga kamay. Mga sikretong matagal nang ibinaon sa limot ang mabubunyang sa pagbuklat muli ng nakaraan.
•
This Novel is Fantasy-Romance
Written by: XDIASAURX
(I didn't own the book photo. Credits to the rightful owner.)