FANTAaaaaaaaaah
4 stories
Hara Udaya by Icieyou
Icieyou
  • WpView
    Reads 21,395
  • WpVote
    Votes 2,101
  • WpPart
    Parts 35
Hindi lubos maisip ni Amari na ang simpleng kaparusahan ng kaniyang Lolo ang magdadala sakaniya sa isang lugar at panahon na nabubuhay lamang sa mga alamat at kwentong bayan. Lingid sa kaalaman niya ang kahihinatnan ng kaniyang paglalakbay sa mahiwagang nakaraan. At sakaniyang mga karanasan, paano mababago ng nakaraan ang isang tulad ni Amari na nagmula sa kasalukuyan? (Ang ibang mga karakter at palagay sa istoryang ito ay isa lamang likhang isip. Ang mga karakter mula sa Filipino Mythology at Filipino folklore ay aking lamang hiniram at hindi pag-aari. Ang istoryang ito ay nilikha lang upang mag bigay ng kasiyahan at aral sa magbabasa.)
Mayari by Icieyou
Icieyou
  • WpView
    Reads 689,112
  • WpVote
    Votes 40,186
  • WpPart
    Parts 47
Ang pagsagip sa buhay ng iba ang tungkuling sinumpaan ni Selene ngunit hindi niya inaasahan na ito rin ang magiging hudyat ng aksidenteng pagkakatagpo niya sa isang misteryosang dalaga. Paano nito maiiba ang buhay ni Selene kung lingid sa kaalaman niya na ang misteryosang dalaga ay isa palang Dyosa? (Ang ibang ng karakter at palagay sa istoryang ito ay isa lamang likhang isip. Ang mga karakter mula sa Filipino Mythology ay aking lamang hiniram at hindi pag aari. Ang istoryang ito ay nilikha lang upang mag bigay ng kasiyahan sa magbabasa) PAALALA: Mabuting basahin ang mga sumusunod: - One seat apart - Whisperer (book 1) - Tame (book 2) Bago magpatuloy sa pagbabasa ng kwento ng Mayari sapagkat ito ay magdudulot ng pagkalito at mga hindi inaasahang pagbubunyag. Maraming Salamat!
Tamed (Book 2 ) by Icieyou
Icieyou
  • WpView
    Reads 64,322
  • WpVote
    Votes 3,224
  • WpPart
    Parts 18
Book 2 Limang taon na ang lumipas mula nang mabasa ni Sunny ang liham ng pamamaalam ni Raven. Isang liham na tila ba naglagay ng tuldok sa isang pag-ibig na hindi pa tapos. Ngunit sa araw ng kanyang kasal, sa gitna ng mga panatang hindi niya buong-pusong binigkas, muling nagpakita si Raven-buhay, humihinga, at dala pa rin ang pag-ibig na minsang iniwan. Sa isang iglap, tinakasan nila ang mundong hindi para sa kanila. Tumakas silang magkasama, tangan ang pag-asang maibalik ang mga panahong nawala. Ngunit ang pagbabalik ay hindi basta pagbura ng nakaraan. Maraming tanong ang kailangang sagutin. Maraming sugat ang kailangang hilumin. Hanggang saan sila dadalhin ng pag-ibig na ni kamatayan ay hindi kayang pawiin?
Whisperer (Book 1) by Icieyou
Icieyou
  • WpView
    Reads 136,182
  • WpVote
    Votes 6,623
  • WpPart
    Parts 23
Book 1 Isang daang taon ng pag-iisa. Isang pusong takot magmahal, takot mawalan, takot magtiwala. Hanggang sa isang araw, dumating siya-ang babaeng hindi lang tumanggap sa kanyang buong pagkatao, kundi minahal pati ang mga sugat na pilit niyang tinatago. Sa harap ng pag-ibig na walang kondisyon, mananatili pa ba siyang mabangis na nilalang? O pipiliin niyang magbago-hindi dahil kailangan, kundi dahil mahal niya?