dreamesca
- Reads 3,334
- Votes 66
- Parts 3
"Matapang ka..." he caressed my back softly. "Alam kong kayang-kaya mo ang sarili mo kahit wala ako."
Gusto kong matawa sa sinabi niya dahil sa aming dalawa, siya ang lampa. Ngunit imbes na matawa ay mas lumakas ang iyak ko sa kaniyang sinabi. It's not true. I'm not brave, it is just a facade for survival.
"Babalik ka naman diba?" I asked desperately.
Tumango ito.
"Oo, at sa pagbalik ko, ibibili kita ng madaming dress at make-up." He teased.
Sinimangutan ko siya. "Sasabihin mo talaga 'yan habang nakasuot ako ng basketball uniform ngayon?"
Garalgal pa ang aking boses. He laughed loudly, inayos niya ang nahulog niyang salamin na mas malaki pa ata sa mukha niya. Ang angas ng tingin niya sa sarili pero napaka payatot naman, pandak din. Mas malaki pa ako sakanya ng ilang pulgada.
Saglit niya akong pinakatitigan. Lumamlam ang mata niya. Hinaplos niya ang aking pisngi at pinagmasdan ang aking mukha. Worry is evident in his dark-deep pools.
"I will come back for you. Hintayin mo ako, okay?" masuyo niyang sabi.
Napakagat ako ng labi dahil papatulo na naman ang aking mga luha.
"Oo, pangako. Hihintayin kita." I promised.
----
Bernacella Jasim is at the lowest hierarchical chain of Nueva Sierra.
She has a mother who works as a housekeeper and brothers who are disabled. Kaya pursigido si Bernacella na makapagtapos upang i-ahon sila sa hirap. She never met her father personally, they only talked through phone all her life ngunit okay lang sakanya, ang mahalaga ay kinilala siya nito.
But poverty can make people do anything in order to survive. Iyon ang ikikatakot ni Breya kaya tinago niya ang totoo niyang katauhan. Sinigurado niyang walang mapapakinabangan sakanya ang tiyahin niyang taga bigay aliw sa mga parokyano. Ayaw niyang matulad dito.
She is all boyish and cool until she became close with the mayor's bastard son.