AngelCabarles710's Reading List
3 stories
This Gay's In Love With You Pare  by lhiamaya
lhiamaya
  • WpView
    Reads 763,681
  • WpVote
    Votes 28,039
  • WpPart
    Parts 58
One of the boys si Mary Grace kung ituring sya ng mga pinsan nyang mga lalaki simula noong bata pa sya. Mahilig kasi sya sa mga larong panlalaki gaya ng baril barilan at tumbang preso. Hanggang sa paglaki nya ay mga hilig pa rin ng mga lalaki ang hilig nya. Kung magdamit din sya ay parang lalaki. Kaya naman buong akala ng mga pinsan nyang lalaki ay shiboli sya kahit ilang beses nyang sinasabi na babae sya. Nagkaka gusto din sya sa mga lalaki pero hindi lang sya showy at agresibo. Mabilis din naman kasing nawawala ang pagkagusto nya sa mga ito. Mabilis syang ma-turn off. Hanggang sa nag-krus ang landas nila ni Rika. Ang binabaeng mas maganda pa yata sa kanya pero katawang maton. Kakaibang atraksyon ang naramdaman nya dito. Totoo nga yata ang sinabi ng mga pinsan nya na isa syang shiboli. Ricardo De Asis & Mary Grace Bartolome story #ROMANCE #MATURE_CONTENT *****
DG Series #5: My Grumpy Kuya Matias by lhiamaya
lhiamaya
  • WpView
    Reads 2,754,793
  • WpVote
    Votes 58,071
  • WpPart
    Parts 49
Sa edad na 22 years old ay nbsb pa rin si Ava. Wala rin syang experience sa dating. Zero ang love life nya. Never been kissed never been touched. Paano ba naman sobrang strict ng kanyang Kuya Atlas lalo na noong nag aaral pa sya. Pero ngayong graduate na sya ang sabi nito ay pwede na syang magpaligaw. Syempre tuwang tuwa sya. Yun nga lang ay may isa pa syang kuya-kuyahan na mas strict pa sa kanyang Kuya Atlas. Si Kuya Matias. Si Kuya Matias na ubod ng sungit, moody, stoic face, manhid, parang tuod at wala yatang pakiramdam. Pala-patol din ito sa tantrums nya. Sa limang kaibigan ng kanyang Kuya Atlas ay ito ang pinaka hate nya, pero pinaka love nya rin. Dahil kahit sinusungitan sya nito di naman sya nito matiis. Ito ang takbuhan nya sa tuwing kinakapos sya. Ito rin ang utangan nya at lagi nyang nahihingian ng donasyon sa munti nyang animal shelter. Mabait naman si Kuya Matias. Pinaglihi nga lang sa sama ng loob kaya parang laging nireregla sa kasungitan. Ngunit lalong nadadagdagan ang kasungitan nito sa tuwing nakikita syang may kasamang lalaki. Tila ba ito nag iibang anyo. Pinagbabantaan nito ang mga lalaking lumalapit sa kanya. Kaya paano sya magkakaboyfriend? Mas strict pa ito kesa kay Kuya Atlas. Matias Santiago and Ava Montecillo story #MATURE_COTENT #TAGALOG_STORY
DG Series #4: I'm Yours And You Are Mine Only by lhiamaya
lhiamaya
  • WpView
    Reads 1,372,521
  • WpVote
    Votes 31,918
  • WpPart
    Parts 43
Si Crizel ay mahigit isang dekada ng bwisit na bwisit kay Kester Belleza. Mahigit isang dekada na nya itong sinusumpa. Kulang na lang ay ipakulam nya ito. Malaki ang kasalan ni Kester sa kanya at hindi nya ito mapapatawad. Kasalanan nito kung bakit nakipaghiwalay sa kanya ang first love at first boyfriend nya. Kasalanan nito kung bakit maaga syang nabigo sa pag ibig. Ayaw na ayaw nyang nakikita ito pero ang hudyo ay parang nanadya pa at pupunta pa mismo sa eatery nya para lang laitin ang mga luto nya. Para bang hindi buo ang araw nito na hindi sya nabubwisit. Kulang na lang ay tadtarin nya ito ng pino at isahog sa niluluto nya. Gwapo sana ito pero gago. Nuknukan din ng tsismoso at pilyo. Lantaran din syang inaakit nito. Akala naman nito ay maaakit sya sa taglay nitong karisma. Pero traidor at marupok ang puso nya. Unti unti itong naaakit sa karisma nito. Kester Belleza and Crizelda Romina Sales story #TAGALOG #MATURE_CONTENT #RATED_SPG