Escaperx
- Reads 8,084
- Votes 465
- Parts 10
THE CAPTIVE ARIES
Zodiac Series #1
Aries Salcedo, 21, ay hindi sanay sa marangyang pamumuhay. Lumaki siyang salat, nasanay sa pagtitiis at natutong ngumiti kahit gutom. Nang mamatay ang kanyang ina at ama ay iwan siya napilitan siyang maghanap ng trabaho sa Maynila. Isang kapitbahay ang nag-ugnay sa kanya sa isang oportunidad bilang kasambahay sa lungsod.
Ayon sa tsismis, istrikto raw ang amo. Matapang. Tahimik pero mabigat ang presensya.
At sa unang araw pa lang niya sa bahay ni Allan Corpuz, 34, isang matikas at misteryosong pulis alam na niya agad na hindi basta basta ang lalaking ito. Malamig ang mga mata. Laging tahimik. May kasintahan na maganda, matalino, at perpekto sa mata ng iba. Pero kahit may kasintahan, iba ang kilos nito kapag silang dalawa lang ang magkasama sa bahay.
May mga titig. May mga utos na sobra sa simpleng trabaho. At may mga sandaling hindi niya alam kung nang-aakit ba siya o sinusubok lamang.
At si Aries? Hindi rin perpekto.
May init sa kanyang katawan na matagal nang naiipon. At sa bawat gabing sila lang ang magkasama ay unti-unti silang nilalamon ng apoy na sila rin lang ang nagsindi.
Isang gabi lang daw. Isang beses lang. Pero nasundan. At nasundan muli. Hanggang sa hindi na nila alam kung sino ang nagsimulang maglaro. Hanggang sa hindi na lang ito init kundi pagkapaso. Naging madalas ang silipan. Naging tahimik ang mga gabi. At sa likod ng bawat utos ni Allan, may lihim na pagnanasa.
Pero paano kung ang relasyon ay puro kasinungalingan? Paano kung hindi lang siya kasambahay- kundi isang bihag ng sariling damdamin?
At si Allan? Hindi niya kayang pakawalan si Aries. Hindi lang dahil sa katawan nito. Kundi dahil sa tuwing nakikita niya ang binata ay para siyang hinuhubaran ng sariling katinuan.
© 2025 Santiago. All rights reserved.