HadeSaint
Ang "Underneath the Sun" ay kuwento ng dalawang magkababata. Ngunit may isang bagay na hindi inaasahan sa pagkakaibigang ito-si Leigh. Unti-unti na palang nahuhulog ang loob ni Leigh kay Marian, na tila isang araw na dahan-dahang lumulubog sa dapit-hapon.
Gaya ng paglubog ng araw sa kalawakan, ganoon din ang pagkahulog ni Leigh sa kanyang sinisintang si Marian. Para kay Leigh, si Marian ang kanyang langit-ang langit na pinakamahalaga sa kanya simula pa noong mga bata pa sila.
Kaya naman, sa tuwing tumitingin si Leigh sa itaas, ang langit ang nagpapaalala sa kanya kay Marian. Sa bawat sulyap niya sa kalawakan, tila naririnig niya ang kanilang mga tawanan at muling nabubuhay ang lahat ng kanilang mga alaala.