MalditaBerries
- Reads 935
- Votes 63
- Parts 22
Labing-anim na taong gulang si Giana nang ipagtabuyan siya mula sa Hacienda Esmeralda-pinalayas ng sariling ina at ng bagong pamilya nito dahil sa isang kasalanang hindi niya ginawa.
Anim na taon ang lumipas. Akala niya'y nakaligtas na siya sa bangungot ng kahapon.
Hanggang sa dumating si Kenji Luis Esmeralda-ang panganay na anak ng mayamang hacienderong muling pinakasalan ng kanyang ina. Galit ang laman ng mga mata nito sa tuwing siya'y tititigan. Para dito, siya ang babaeng muntik nang sumira sa kanilang pamilya.
Ngunit sa gitna ng trahedya at paninisi... isang alok ang hindi niya inaasahan.
"Pakakasalan mo ako, Giana. Hindi ito isang pakiusap."
Sa mata ni Kenji Luis, isa siyang masamang babae. Ngunit bakit tila may ibang dahilan sa likod ng alok nitong kasal?
Pag-ibig ba iyon?
O isa lamang masakit na paraan upang tuluyang durugin siya?
_____
"You may have an enchanting smile and eyes that look deep into a man's soul but I am immune to the likes of you, Giana..."