OtepZablan's Reading List
4 stories
Ahon by OtepZablan
OtepZablan
  • WpView
    Reads 1,382
  • WpVote
    Votes 35
  • WpPart
    Parts 10
Kwento ng bundukerong ninais maakyat at marating ang kasiyahan sa buhay. Pero hindi rin, nais n'ya lang tumakas sa kung anong mayroon sa kapatagan. Ang kwentong ito ay Rated SPG. Istriktong patnubay at gabay ng magulang ang kailangan. Maaaring naglalaman ng mga maseselang tema, lingguwahe, karahasan, sexual, horror at droga na hindi angkop sa mga batang mambabasa. P.S. May kanya-kanyang istilo ng pagsusulat ang bawat may-akda, ito ang istilo ko!. Para kapag naging pelikula s'ya hindi na sila mahihirapan bumuo ng script, dahil script style na ito. Biro lang, doon lang talaga ako kumportable! Sa kabilang banda, ang Kwentong ito ay hindi perpekto, marami ring pagkakamali: sa baybay ng mga salita, sa daloy na istorya/katha kaya walang sinumang may karapatang dungisan ang sarili kong buhay sa mundo ng pagsusulat. Subalit ang lahat ay malayang makakapagkumento at makapagbibigay ng kanilang saloobin. Ang KOMENTO ay KOMENTO., gaano man kasakit, gaano man kaganda -sa tipong nakakataba ng puso. Sa lahat ng mga magbabasa, Maraming Salamat po! -Otep
Mga Likha at Naipong Tula ni Otep by OtepZablan
OtepZablan
  • WpView
    Reads 157
  • WpVote
    Votes 0
  • WpPart
    Parts 21
Katulad sa Pamagat, ito'y koleksyon ng mga Tula ni Otep
MOTEL by OtepZablan
OtepZablan
  • WpView
    Reads 33
  • WpVote
    Votes 0
  • WpPart
    Parts 1
Malabo ang ilaw. Tanging ang pagmamahal lamang nila Alberta at Oscar ang nagiging tanglaw sa apat na sulok na kanilang tinutuluyan noong mga oras na iyon. Malamig ang aircon. Subalit wala itong nagagawa upang ibsan ang maiinit na sandali ng magkaparehang kapwa nag-aapoy. Nakapapaso ang bawat sandali. Sa bawat pagpatak ng naiipong lakas, umaagos ito at patuloy na dadaloy hanggang lamunin ng sedang kanilang kinahihigaan. Huhugot ng malalim na paghinga. Babagsak. At magwiwikang "Mahal kita".
Zigzag by OtepZablan
OtepZablan
  • WpView
    Reads 13
  • WpVote
    Votes 0
  • WpPart
    Parts 1
Hindi na iba sa atin ang makakita ng mga natutulog sa loob ng sasakyan, madalas isa rin tayo sa nakakatulog dahil sa haba at nakaka-inip na biyahe. Noong araw na iyon, nagawa ko ang ganoong sitwasyon subalit sa nakakakilabot na pangyayari -isang panaginip naakalain mong totoo ang bawat nangyayari. Sa parehong sitwasyon, sakay din daw ako ng pamapasaherong Dyip biyaheng Alabang nang magising ako sa lakas ng busina nito. Pagmulat ng aking mga mata isang Truck ang tumambad sa harap ng sasakyan namin. Sa taranta ng aming Driver iniliko n'ya ito, subalit sa sobrang kalituhan bumangaa kami sa mga halaman at madamong gilid ng karsada at tuluyang rumagasa pababa ng bangin. Nagpagulong-gulong kami kasabay ang mga nagsisigawang pasahero.