EclipsedInk
Si Xanthe Caelsteia Santos-isang successful lawyer na sanay humarap sa korte, pero hindi sa gulo ng sariling pamilya. Araw-araw siyang nasa gitna ng away ng parents niya, at palagi siyang natatabunan ng kanyang ambitious na mga kapatid. Suffocating. Paulit-ulit niyang iniisip kung paano siya makakatakas sa gulong ito-at ang ultimate wish niya? Ma-reincarnate sa ibang mundo.
Pero isang araw, bigla siyang nahimatay... at paggising niya, ibang tao na siya.
Siya na ngayon si Cyrene Andromache De Luna-ang mahina, spoiled, at walang kwentang anak ng isang kilalang Mafia boss. At ang mas masaklap? Siya ang kontrabida sa isang novel na dati niyang binabasa!
Sa kwentong iyon, desperado si Cyrene na mahalin ng male lead na si Percival Eamonn Linus Ferrante. Pinilit niyang ipa-arrange marriage ang sarili sa lalaki, kahit alam niyang may mahal nang iba si Percival-si Juniper Ophelia Romano, ang female lead. Dahil sa inggit, gumawa si Cyrene ng masasamang bagay. Mula sa pangbu-bully, paninira, hanggang sa tangkang pagkalason kay Juniper. Kaya naman galit at poot lang ang natanggap niya mula kay Percival.
Pero ngayon, si Xanthe na ang nasa katawan ni Cyrene.
Hindi siya papayag na sundan ang kapalaran ng kontrabida! Gagawin niya ang lahat para ayusin ang pangalan ni Cyrene, layuan si Percival, at itigil ang engagement nila. Pero isang malaking problema ang hindi niya inasahan-si Percival mismo ang ayaw bumitaw!
Dati, si Cyrene ang habol nang habol sa kanya... pero ngayong nagbago na si Cyrene, bakit parang si Percival naman ngayon ang ayaw siyang pakawalan?
(Edited)
----------------
Language: Tagalog-English
Date Started: 02-10-2025
Date Ended: