BY Helen Meriz
5 stories
Hindi Huwad ang Pag-ibig ko by JoannaHurgo
JoannaHurgo
  • WpView
    Reads 25,900
  • WpVote
    Votes 475
  • WpPart
    Parts 15
Dati'y parang prinsesa si Laarni sa isang fairy tale story. Magagara ang mga kasuotan, mararangya ang mga okasyong dinadaluhan. At maging ang pagmumodelo ay isa lamang libangan at hindi hanapbuhay para sa dalaga. Hanggang sa mamatay ang kanyang ama. Wika nga'y doon natapos ang kanyang maliligayang araw. Nakatakda palang siya ang magbayad sa hiram na luhong ipinalasap nito sa kanya. Kaya ba niyang manloko ng isang tao mapanatili lamang ang kinasanayang buhay? Paano kung ang taong lolokohin niya ay kasingtunog ng milyonaryong si Adam Montelibano? At paano rin kung matuluyan siyang mapaibig dito?
Taksil ka man sa Pagsinta by JoannaHurgo
JoannaHurgo
  • WpView
    Reads 5,008
  • WpVote
    Votes 131
  • WpPart
    Parts 13
ALAM ni Renata na may malaking dahilan kung bakit nagustuhan ng kababatang si Mon ang pagiging konserbatibo niya at mahinhin. Akala niya ay wala nang katapusan ang kanilang kaligayahan. Ngunit umentra sa buhay nila ang isang tuksong nagngangalang Thet. Umiyak si Renata nang maakit ng babae si Mon. Kasabay niyon, sumumpa siya sa sarili: tapos na ang pagiging 'Maria Clara' niya. Ipakikita niya kay Mon na kung sa kaseksihan at pagiging moderno lamang ay kaya niyang daigin ang babaing ipinalit nito sa kanya...!
Kung Nalalaman Mo Lamang by JoannaHurgo
JoannaHurgo
  • WpView
    Reads 3,748
  • WpVote
    Votes 122
  • WpPart
    Parts 15
Anim na taon na ang nakararaan, nagkaraoon ng gap ang dati'y magandang pagtitinginan ng magpinsang Irish at Maricel. Inakusahan ni Maricel si Irish na mang-aagaw ng nobyo. Nagkasundo lamang silang muili nang mabaling ang pansin ni Maricel kay Jake. Pero sa malas, si Jake ay kay Irish na naman naaakit. Kaya ba niya ang mas matinding galit ng pinsan sa ikalawang pagkakataon? At paano kung ang kalaban na niya ay ang sarili na umpisa pa lamang ay naakit na rin kay Jake?
Kapag Maaari Mo na Akong Ibigin by JoannaHurgo
JoannaHurgo
  • WpView
    Reads 11,150
  • WpVote
    Votes 251
  • WpPart
    Parts 18
Hindi na sana gusto ni Marjorie na bumalik sa Pilipinas. Mayroon siyang tinatakasan doong malungkot na nakaraan. Ngunit kailangan niyang bumalik upang maging normal ang kanyang buhay. Hindi niya inaasahang lalong mawawala sa kaayusan ang kanyang buhay sa pagsasanga ng landas nila ni Mark - ang taong may malaking kaugnayan sa kahapong gusto niyang takasan!
Di Sinasadyang  Dayain Ka by JoannaHurgo
JoannaHurgo
  • WpView
    Reads 20,763
  • WpVote
    Votes 391
  • WpPart
    Parts 12
#helenmeriz Sikat na romance writer si Shanna. Minsang kinapos siya ng paksang maisusulat ay napagtuunan niya ng pansin ang incompetent at kinabubuwisitang katulong na si Myra. At nabuo sa isip niya ang isang weird na ideya: ang magpanggap na katulong sa isang mayamang pamilya! Sa una pa lamang ay susuko na sana siya. Hindi lamang niya maiwan si Miguel, ang isa sa kanyang naging amo. Lihim siyang umiibig sa binata at palagay niya ay nagkasimpatiya rin ito sa kanya. Pero paano siya mapapatawad ng lalaki kapag nalamang pinaikot lamang niya ito sampu ng buong kapamilya?