adelitagreigh
𝘼𝙣𝙜 𝙙𝙪𝙜𝙤 𝙣𝙜 𝙩𝙖𝙤, 𝙨𝙖 𝙚𝙡𝙚𝙢𝙚𝙣𝙩𝙤 𝙖𝙮 𝙡𝙖𝙜𝙞𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙮 𝙨𝙞𝙥𝙞.
Simula bata pa lang, laging naririnig ni Danica ang mga boses tuwing alas-tres ng madaling araw, ngunit itinuring lang itong guni-guni ng kanyang ina. Ang lahat ay nagbago nang makita ni Danica ang isang mahiwagang nilalang sa puno ng balite-isang engkanto na tila may malalim na koneksyon sa kanya. Sa takot na makuha ang anak, pinangunahan ng kanyang inang si Shiela ang pagsunog sa puno, umaasang matatapos na ang sumpa.
Anim na taon ang lumipas, namumuhay na sila nang payapa sa lungsod. Ngunit sa pagtatagpo nila ng misteryosong si Daryl, muling magigising ang nakaraan. Habang nagbabago ang kulay ng kanilang mga mata, mapagtatanto ni Danica na hindi siya kailanman nakatakas. Ang masama para sa tao ay tahanan para sa iba. At ngayong may bagong kapatid si Danica, ang siklo ng alas-tres ng madaling araw ay magsisimulang muli.