Precious Heart Romance
9 stories
PINAKAMAGANDANG LALAKI by JelainePhr
PINAKAMAGANDANG LALAKI
JelainePhr
  • Reads 174,340
  • Votes 3,642
  • Parts 20
"I didn't know when I started loving you. Kung noon bang unang beses na titigan mo ako... o noong unang pag-alayan mo ako ng ngiti. Or maybe when you first called my name." Mula nang maulila sina Micah at Yojan ay itinuon na ni Micah ang pansin sa pag-aalaga sa nag-iisang kapatid. Kaya nang malaman niyang nakipagtanan si Yojan ay hindi niya iyon matanggap. Sa tingin niya ay hindi pa kaya ng kapatid na pumasok sa buhay-may-asawa. Kaya sumugod si Micah sa Kanaway-isang lugar sa dulo ng Benguet kung saan nakatira ang katanan ni Yojan na si Soraya-upang bawiin ang kapatid. Nanatili siya sa Kanaway at doon nakasama si Achaeus de Gala, ang nag-iisang kapatid ni Soraya at itinuturing na leader ng lugar. Sa simula ay inis si Micah kay Achaeus dahil sa pakikialam ng lalaki sa kanyang pakay. At wala siyang pakialam kahit sinasabi at pinaniniwalaan ng lahat na ang binata raw ang pinakamagandang lalaki sa buong Benguet. Pero nang magtagal pa ang pananatili ni Micah sa Kanaway ay unti-unti silang nagkalapit. Hanggang sa maramdaman niyang tinamaan na rin siya ng "animal" appeal nito. Tuwing mapapatitig nga siya rito ay kung saan-saan nakakarating ang kanyang imahinasyon. Noon nagpasya si Micah na iwasan si Achaeus. Dahil kung hindi ang lalaki ang may "gawin" sa kanya ay baka siya pa ang may "kakaibang" gawin dulot ng malakas na epekto sa kanya ng presensiya ni Achaeus.
Pagkakataon (Kanaway Book 5) by JelainePhr
Pagkakataon (Kanaway Book 5)
JelainePhr
  • Reads 131,084
  • Votes 2,926
  • Parts 39
"Kung nasaan ka man ay naroon din ako. And that won't be a sacrifice. That would be love." Years ago, Yanno de Gala met a beautiful stranger named Angie. Minahal niya nang totoo ang babae sa loob lamang ng ilang oras na kanilang pinagsamahan. But then she was gone. Pero tila biro ng tadhana na muli niyang nakita ang kaparehong mukha ng babae makalipas ang mahabang panahon. Sa pagkakataong ito ay ang kakambal naman ni Angie ang kanyang nakilala at nakasama. Angie and her twin Amelie really looked the same. And not just that. Kung paano nahulog ang loob noon ni Yanno kay Angie ay ganoon din eksakto ang nangyayari sa kanya kay Amelie ngayon. He fell in love with her and it seemed like Amelie felt the same way, too. Ngunit hindi sila maaaring magsama ni Amelie. Because he was getting married to another woman and she was also getting married to another man...
My Girl (Kanaway Book 6) by JelainePhr
My Girl (Kanaway Book 6)
JelainePhr
  • Reads 37,452
  • Votes 521
  • Parts 10
"When you fall in love with someone, you fall in love with their heart and soul..." Hindi katanggap-tanggap sa conservative na si Teyonna de Gala na tawagin siyang "witch" ni Jack Veltri-ang arogante, happy-go-lucky, at tila feeling-hari ng mundo na bisita ng kanyang pinsan; minaliit pa nito ang kanilang lugar na Kanaway. Kaya naman ipinangako niya na pagbabayarin ang binata. Kailangang bawiin nito ang hindi magagandang sinabi patungkol sa kanya at sa kanyang pinakamamahal na lugar. Hanggang sa naaksidente si Jack na iniligtas niTeyonna. Nagbago bigla ang ihip ng hangin. Ang dating hambog at Mr. High and Mighty na si Jack ay humingi ng apology sa lahat ng mga nagawa kay Teyonna. Nakikipagkaibigan na ito sa kanya. Sa kabila ng pagdududa sa tunay na intensiyon ni Jack ay unti-unti na ring inilapit niTeyonna ang sarili at ipinakita kung ano ang buhay nila sa Kanaway. Sa maikling panahon ng pagkakakilala nila ay nakita niya ang malaking pagbabago kay Jack at unti-unti niyang naramdaman ang pagkahulog ng loob sa binata. Ngunit kailangang bumalik ni Jack sa dati nitong buhay. At sa pag-alis nito, maaaring tuluyang mawala kay Teyonna ang binata dahil sa pagtanggap nito sa isang responsibilidad na matagal nang dapat iniatang kay Jack.
Starry, Starry Night (Kanaway Book 4) by JelainePhr
Starry, Starry Night (Kanaway Book 4)
JelainePhr
  • Reads 128,594
  • Votes 2,507
  • Parts 25
"I can endure anything just to be by your side. I can't take any distance away from you. Every breath, every smile, my every move, every part of me shouts your name." Chairmaine Jo "CJ" de Gala's life was perfect. Tila ba hinugot sa isang fairy tale ang kanyang buhay. Bahagi siya ng isang tinitingalang pamilya, kinaiinggitan at hinahangaan sa mundo ng fashion, at higit sa lahat, nakatakda siyang ikasal sa lalaking ang katumbas ay isang prinsipe. But her dreams were shattered when she found out about her fiancé's lies. She was lost. At nang isang gabing malasing at sinuwerteng makakita ng isang bulalakaw, parang isang batang paslit na pumikit si CJ saka humiling doon. Her wish? That there was a Mr. Right somewhere out there. At nais niyang makilala kung sino man iyon. Ano ang naging sagot ng bulalakaw sa kanyang hiling? CJ woke up in bed with a stranger named Sev. She slowly began to remember everything, habang ang lalaki ay tila walang natatandaan kung paano at bakit sila nakarating sa iisang kama. Si Sev na kaya ang Mr. Right na hinihintay ni CJ o isa na namang Mr. Wrong ang kanyang natagpuan?
Pipilitin Ko Na Ang Puso Mo'y Mahulog Sa Akin (KANAWAY Book 1) by JelainePhr
Pipilitin Ko Na Ang Puso Mo'y Mahulog Sa Akin (KANAWAY Book 1)
JelainePhr
  • Reads 196,160
  • Votes 4,479
  • Parts 31
"At kung tatanggapin mo ako, please accept the wine. Puwedeng masama ang lasa nito ngayon, but it will get better with aging. Tulad natin. We may argue, fight, and argue. But I believe we'll get better in time... You and me." Sa unang araw pa lang ng pagdating ni Ciara sa bayan ng Kanaway, mainit na agad ang dugo niya kay Lucas de Gala, ang masungit na lalaking nakatira sa lighthouse tower-like na bahay, dahil pinalabas siya ng lalaki nang mapagkamalan siyang nag-trespass sa pamamahay nito. Mula noon, sa bawat pagkikita nila ay para na silang aso't pusa kung magbangayan. But Lucas offered her something nobody ever dared to give her-ang magamit ang kanyang kakayahan sa paggawa ng alak. Kaya tinanggap niya ang business partnership na ino-offer ng lalaki. Lagi silang magkasama kaya hindi naiwasan ni Ciara na maging malapit kay Lucas. Hindi na rin niya napigilan ang sarili na unti-unting mahulog ang loob sa binata--na may kabutihang-loob palang taglay. Handa na siyang sumugal lalo't naramdaman din niyang attracted si Lucas sa kanya. Pero nang ipagtapat ni Ciara ang tunay na damdamin ay labis siyang nasaktan dahil sa tahasang pagtanggi ng binata, sabay sabing kailanman ay hindi ito magmamahal...
Moonlight Kiss (Kanaway Book 2) by JelainePhr
Moonlight Kiss (Kanaway Book 2)
JelainePhr
  • Reads 161,763
  • Votes 3,684
  • Parts 31
"When I said that I love you, I meant it as a promise, and I mean forever." Brien de Gala doesn't want to have a serious relationship. Kontento na siya sa kanyang kasalukuyang lifestyle-casual dates without definite commitment. Hindi siya handa at hindi magiging handa kailanman. But he is bound to change his mind in one fateful night. Hindi sinasadyang nabangga ng kanyang kotse ang isang babae. The woman ended up with no memory and no one to depend on but him. And as Brien took the responsibility, his heart seemed to change. He started to care deeply for Jaquelyn, ang babaeng kanyang nabangga. Gusto niyang maging bahagi ito ng buhay niya. Permanently. She seemed to want that as well... until she began to regain her memory. And there were parts of her past that Jaquelyn believed would always... always come between them.
Pulang Rosas, Linyang Gasgas, Pag-ibig Na Wagas (Kanaway Book 3) by JelainePhr
Pulang Rosas, Linyang Gasgas, Pag-ibig Na Wagas (Kanaway Book 3)
JelainePhr
  • Reads 212,415
  • Votes 4,759
  • Parts 32
"I don't want another girl. I can't even look at them anymore. My heart, my mind, my eyes-you own everything." Napilitang pumayag si May na magpanggap na girlfriend ng kanyang boss sa rancho na si Dash de Gala para daw tumigil na ang manipulative at snob na ina nito sa pagma-matchmake sa binata at sa mga anak ng mga amiga nito. Kapalit iyon ng pagtulong ni Dash na hindi mailit ng bangko ang bahay na naiwan ng mga magulang ni May. Hinayaan din niya na mapagkamalan siyang lesbian ni Dash upang maging off-limits sa charms nito, kahit alam naman niyang never siyang magiging type ng binata. Because Dash-despite his sometimes childish, playful, and carefree attitude-seemed to be "perfect" and "high and mighty" in his own right. Samantalang siya ay hamak na empleyado nito at never na naging isang sopistikadang babae. Pero sa kanilang pagpapanggap ay hindi sinasadyang nahulog ang loob ni May sa binata na kinalaunan ay nagpakita rin ng interes sa kanya. Nagselos pa ito sa nagbabalik na ex-boyfriend niyang si Randall. They would have made their fake relationship real... almost. Kung hindi lang sa pagtutol ng ina ni Dash at ang pagkawala ng matagal nang pangarap ng binata na pamahalaan ang canning business ng pamilya dahil sa hindi inaasahang pagkabulgar ng kanilang kunwa-kunwariang relasyon.
My Bossy Assistant - COMPLETED (Published under PHR) by MissClosetNovelist
My Bossy Assistant - COMPLETED (Published under PHR)
MissClosetNovelist
  • Reads 83,206
  • Votes 4,412
  • Parts 42
Lahat na yata ng ayaw ni Hunter sa isang assistant ay na kay Danika na. First and foremost, he specifically didn't want a female assistant. Doon pa lang ay sablay na. Everything about Danika, except her nickname "Dan," exudes femininity. Naka-develop na ng allergy si Hunter sa mga tulad ng babae dahil sa naging experience niya sa ex-girlfriend na dati rin niyang assistant. It's not that Hunter didn't like women. He liked women just fine. He just didn't want a woman as an assistant. Idagdag pa na masyadong maganda at sexy si Danika. Kung distraction lang ang hinahanap ni Hunter, perfect si Danika sa role na iyon. But damn it, he just wanted to work peacefully without any distractions and complications. But Hunter wasn't completely a coldhearted bastard. Kaya naman binigyan niya ng chance si Danika. Then he discovered that she was probably the bossiest woman on the planet. Kulang yata ang isang legal-size paper para sulatan niya ng lahat ng dahilan kung bakit dapat niyang sesantehin si Danika. But for the life of him, he couldn't seem to do it and he didn't know why.
Hot Intruder - Pierre: The Compassionate Intruder (PUBLISHED under PHR) by Leonna_PHR
Hot Intruder - Pierre: The Compassionate Intruder (PUBLISHED under PHR)
Leonna_PHR
  • Reads 137,290
  • Votes 2,406
  • Parts 11
"Sabihin mo lang na ligawan kita, hindi lang puso mo ang nanakawin ko. Pati ang buong pagkatao mo, aangkinin ko." Masayang-masaya si Justice sa paglipat niya sa kanyang bagong bahay. Nag-overflow ang creative juices sa utak niya at nakapagsulat pa siya ng isang article bilang columnist sa isang sikat na women's magazine. Ngunit habang nagsusulat ay nakarinig siya ng kaluskos mula sa banyo. All of a sudden, a man came out of her comfort room! At isa itong magnanakaw-a virile, charismatic, and captivating magnanakaw. Imbes na kabahan na baka may gawing masama ang lalaki ay nagawa pa ni Justice na makipagkaibigan dito. At habang tumatagal ay nakilala niya ang tunay na pagkatao nito. Hindi masamang tao si Pierre kagaya ng kanyang inaakala. Actually, Pierre was the most compassionate man Justice ever met, and she had found herself willing to have her heart stolen by him...