Romance Recommended
9 stories
The Wife by Heitcleff
Heitcleff
  • WpView
    Reads 739,754
  • WpVote
    Votes 8,759
  • WpPart
    Parts 80
ISINULAT NOONG 2015 Isa lang naman ang hiling ni Alana at iyon ay mahalin din siya ni Knight. Hiniling niya sa kanyang mga magulang na maikasal siya sa binata na sa huli naman ay naisakatuparan din. Ngunit ang akala niya na matututunan din siyang mahalin ay hindi pala, bagkus naging bangungot ito na malayo sa kaniyang pinangarap. Matitiis niya ba ang ilang taon ang kanilang pagsasama kung gayon ay ni hindi naman siya itinuturing bilang asawa at kahit na pagkababae niya ay dinudurakan na? O sa huli ay makikita niya ang kaniyang kahalagahan dahil sa isang tao na hindi niya aakalaing tutulong at aahon sa kanya na kalaunan ay nakita na lamang niya ang sarili na nasa bisig nito? Tama nga ba ang kaniyang naging desisyon o kailangan niya lamang na bigyan ulit ng isa pang pagkakataon si Knight? Sino nga ba sa dalawa ang pipiliin niya sa huli? Pinagtagpo nga lang ba talaga at hindi itinadhana? Cover Design by: Miyo
Bakit Labis Kitang Mahal (Hacienda de Amor Book I) by Heitcleff
Heitcleff
  • WpView
    Reads 462,669
  • WpVote
    Votes 9,035
  • WpPart
    Parts 46
Ang pamilyang Alonto ay isang mayaman at kilalang pamilya. Ngunit nang mamatay ang ina ni Alfonso ay ipinagbilin ng kanyang ina na alagaan ang isang batang babae na siyang anak ng kanyang yumaong matalik na kaibigan. Labag man sa kalooban ni Alfonso na mag-alaga ng isang batang babae ay wala rin naman siyang magagawa. Lumisan si Alfonso sa bayan ng halos na ilang taon dahil sa mga transaksyon na iniwan sa kanya ng kanyang ina. Nang makauwi si Alfonso ay nagulat na lamang siya nang makitang dalaga na ang batang babae at ibang-iba na rin ito. Sa kabilang banda si Amanda ay nagkaroon na ng lihim na pagtingin sa binata kahit sa mga litrato lamang nito. She fell in love with a ruthless and cold man. She fell in love first, but he fell harder in the end. She was a forbidden fruit that he needed to resist in order not to make a sin. Ngunit sa bawat paglapit ng kanilang balat at sa angking kagandahan ng dalaga ay nahuhulog nang husto ang binata. Kaya bang panindigan ni Alfonso ang kanyang pagmamahal kay Amanda? O sa huli ay iiwan niya na lamang ito dahil iyon ang mas nakabubuti sa dalaga?
Bulong Ng Puso (Hacienda de Amor Book II) by Heitcleff
Heitcleff
  • WpView
    Reads 8,209
  • WpVote
    Votes 223
  • WpPart
    Parts 28
BULONG NG PUSO Book 2 (Bakit Labis Kitang Mahal) Makalipas ang isang taon na malayo sa dalaga ay lubos pa in ang pangungulila ni Enzo rito. Mahal niya ito at higit niya itong nirerespeto kahit na ang hiling nito ay masakit at mahirap. Nakapagdesisyon siyang bumalik at tanawin na lamang sa malayo ang dalaga ngunit taksil ang kanyang puso at lumapit pa rin siya rito kahit na alam niyang lubos siyang masasaktan ng dalaga. Iba pa rin ang bulong ng kanyang puso at iyon ay ang ipursige ang dalaga hanggang sa matutunan siya nitong mahalin. Ngunit handa ba siya sa lahat kahit na alam niyang mahal pa nito ang lalaking una nitong minahal? A/N: 1 UPDATE EVERY WEEK
My Husband is a Ruthless Darling [UNDER REVISION] by Heitcleff
Heitcleff
  • WpView
    Reads 424,714
  • WpVote
    Votes 6,678
  • WpPart
    Parts 52
Si Clay Verdera, ang tinitiliang aktor ng bayan-gwapo, sikat, at hinahangaan. Samantalang si Isla Aurora Randal, isang simpleng babae na walang kamalay-malay na ang buhay niya'y magbabago dahil sa isang kasunduang hindi niya pinili. Sa kabila ng makabagong mundo, lumang tradisyon ang nagbuklod sa kanilang dalawa-isang lihim na kasal na kailangang manatiling tago upang protektahan ang karera ni Clay. Sa kamera, siya ang perpektong leading man. Ngunit sa likod ng mga ngiti, siya ang lalaking nagpapadama kay Isla ng lamig at lumbay. Si Isla-umiibig, umaasa, at handang magtiis. Ngunit hanggang kailan siya magiging anino ng sariling pag-ibig? Kailan mapapansin ni Clay ang pusong matagal nang sumisigaw para sa kanya? Sa paglalaban ng pagmamahal at sariling halaga, sino ang mananalo? At kung may mawawasak, puso ba ni Isla o ang mundong ginagalawan ni Clay? Book Cover design by: Miyo
LET ME LOVE YOU: Yvo Razon Casanova (PUBLISHED UNDER UKIYOTO) by Heitcleff
Heitcleff
  • WpView
    Reads 221,596
  • WpVote
    Votes 3,680
  • WpPart
    Parts 29
Si Yvo Razon, ang lalaking laging nakukuha ang kanyang gusto, and he makes it clear that he wants Astrid. Ngunit hindi ang ibigin ito, Yvo wants something else from her: to be his surrogate and carry his successor. Alam ni Astrid na masyadong naging mabilis ang lahat at alam din niyang wala na siyang masyadong oras. Kailangan niya ng pera para sa pagpapagamot ng kanyang kapatid, at kailangan ni Yvo ng tagapagmana. As they navigate their unusual arrangement, feelings starts to develop between them, feelings they shouldn't have since this was just supposed to be a business deal. Gayunpaman, sa tuwing magdidikit ang kanilang mga balat ay kakaibang sensasyon ang kanilang nararamdaman, pareho nilang napagtanto na maaaring may higit pa sa kanilang relasyon kaysa sa isang transaksyon. Will their social standing drive them apart before they attain happiness? Or are they willing to face anything in the name of love? Book Cover: IEC Creations (PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING)
Dangerous Obsession by Heitcleff
Heitcleff
  • WpView
    Reads 121,619
  • WpVote
    Votes 1,524
  • WpPart
    Parts 10
Ibinenta siya ng taong tinatawag niyang ina-isang trahedya na nagdala sa kanya sa isang entablado ng pangingikil. Sa bawat mapanuring tingin at bulong sa paligid, lumalaki ang takot sa puso niya. Hanggang sa isang lalaking nagngangalang Mr. Cranston ang nag-alok ng halagang hindi niya mawari-isang presyo na maaaring magbago ng kanyang tadhana, ngunit may nakatagong panganib na bumabalot sa bawat ngiti at salita nito. Isinulat noong 2016
Akin Pa Rin Ang Kahapon [UNDER REVISION] by Heitcleff
Heitcleff
  • WpView
    Reads 4,956
  • WpVote
    Votes 65
  • WpPart
    Parts 13
Isang gabi ng pangarap ang nauwi sa bangungot. Matapos magpropose sa kanyang pinakamamahal, isang trahedya ang kumitil hindi lamang sa kanyang alaala-kundi sa buong pagkatao niya. Pinaniwalaan ng lahat na siya'y sumakabilang-buhay... ngunit ang tadhana'y may ibang plano. Sa tulong ng isang matanda, siya'y nailigtas mula sa bingit ng kamatayan. At sa mga bisig ng dalagang anak nito, muling tumibok ang kanyang puso. Sa bawat haplos, sa bawat ngiti, natutunan niyang magmahal muli-isang pag-ibig na nagbunga ng bagong pag-asa. Ngunit hindi habang panahon kayang ikubli ang nakaraan. Nang biglang bumalik ang kanyang alaala, isang sugat ang muling bumuka. Sino ang kanyang pipiliin-ang babaeng una niyang sinumpaan ng pag-ibig, o ang babaeng naging liwanag niya sa dilim? Isang kwento ng pag-ibig, trahedya, at matinding pagpili... saan hahantong ang puso ng isang lalaking hati ang kaluluwa sa dalawang mundo?
Beautiful Revenge by Heitcleff
Heitcleff
  • WpView
    Reads 2,456
  • WpVote
    Votes 52
  • WpPart
    Parts 4
Akala ni Dominique, perpekto na ang pagmamahalan nila ni Sky - hanggang sa matuklasan niyang may iba itong karelasyon. Ngunit mas masakit pa sa pagtataksil ang katotohanang kung sino mismo ang kalaguyo ng kanyang asawa. Ngayon, nasa kanyang mga kamay ang desisyon - ipaglaban ang relasyon nilang unti-unting gumuguho o maghiganti sa mga taong sumira sa kanyang buhay. Pag-ibig o paghihiganti? Ano ang pipiliin ni Dominique?
A Kiss Before Ruin (Dark Obsession Series I) by Heitcleff
Heitcleff
  • WpView
    Reads 4,412
  • WpVote
    Votes 113
  • WpPart
    Parts 15
Sa huling mga araw ng kanyang buhay, akala ni Amara ay tadhana na ang pinakamalupit na kalaban niya. Hindi niya alam, mas masahol pa pala ang mga taong pinakamalapit sa kanya. Isang surpresa sana ang hatid niya para sa kanyang asawa, si Rafael. Ngunit sa halip na saya, kataksilan ang bumungad sa kanya - ang kanilang inampon na anak ay bunga pala ng pagtataksil ni Rafael sa kanyang matalik na kaibigan. Mas matindi pa, ang asawa niyang sinumpaang mag-aalaga sa kanya sa huling yugto ng kanyang buhay, nais lang palang kunin ang kanyang insurance para ipagsimula ng bagong buhay kasama ang kabit nito. Pero bago pa man siya tuluyang wasakin ng sakit at pagtataksil, isang aksidente ang kumitil sa kanya. At sa pagdilat ng kanyang mga mata... bumalik siya sa araw ng kanilang kasal. Ito na ba ang pagkakataon niyang baguhin ang lahat? O kapalaran na mismo ang nagbigay sa kanya ng mas malupit na laro?