Tagalog (DG_Series)
4 stories
DG Series #4: I'm Yours And You Are Mine Only by lhiamaya
lhiamaya
  • WpView
    Reads 1,375,140
  • WpVote
    Votes 31,924
  • WpPart
    Parts 43
Si Crizel ay mahigit isang dekada ng bwisit na bwisit kay Kester Belleza. Mahigit isang dekada na nya itong sinusumpa. Kulang na lang ay ipakulam nya ito. Malaki ang kasalan ni Kester sa kanya at hindi nya ito mapapatawad. Kasalanan nito kung bakit nakipaghiwalay sa kanya ang first love at first boyfriend nya. Kasalanan nito kung bakit maaga syang nabigo sa pag ibig. Ayaw na ayaw nyang nakikita ito pero ang hudyo ay parang nanadya pa at pupunta pa mismo sa eatery nya para lang laitin ang mga luto nya. Para bang hindi buo ang araw nito na hindi sya nabubwisit. Kulang na lang ay tadtarin nya ito ng pino at isahog sa niluluto nya. Gwapo sana ito pero gago. Nuknukan din ng tsismoso at pilyo. Lantaran din syang inaakit nito. Akala naman nito ay maaakit sya sa taglay nitong karisma. Pero traidor at marupok ang puso nya. Unti unti itong naaakit sa karisma nito. Kester Belleza and Crizelda Romina Sales story #TAGALOG #MATURE_CONTENT #RATED_SPG
DG Series #3: Never Gonna Let You Go by lhiamaya
lhiamaya
  • WpView
    Reads 1,550,531
  • WpVote
    Votes 36,382
  • WpPart
    Parts 44
Limang taon ng ginugulo ang isip ni Atlas ng isang babae sa kanyang nakaraan. Pilit nyang kinakalimutan ito at tinuon na lang ang pansin sa ibang babae. Pero hinahanap hanap naman nya ang isang parte nito sa lahat ng babaeng nakakarelasyon nya. Hanggang sa makita nya ulit ito at parang huminto sa paginog ang mundo nya. Pero iba na ang pangalan nito ngayon at may anak na. Ang puso nyang nanahimik ng ilang taon ay muling nagulo at litong lito. Atlas Montecillo and Jolene Caraz story #TAGALOG #MATURE_CONTENT
DG Series #2: Truly Madly Deeply In Love by lhiamaya
lhiamaya
  • WpView
    Reads 2,559,885
  • WpVote
    Votes 52,611
  • WpPart
    Parts 52
Si Luis Gregory Federova o Luigi sa kanyang mga kaibigan ay isang kilalang businessman. Bukod sa sarili nyang negosyo ay pinamamahalaan din nya ang malaking kumpanyang iniwan sa kanya ng yumaong lolo. Tuso sya at isang matinik na negosyante. Pero bukod sa pagiging matinik na negosyante ay matinik din sya sa mga babae. Kilala din syang mainitin ang ulo at maiksi ang pasensya sa mga taong ginugulangan sya. Pero pagdating kay Ivona ay para syang maamong tupa. Hindi sya nagpapakita ng pangit na ugali dito dahil natatakot syang ma-turn off ito sa kanya. Matagal na nyang gusto ang dalaga. High school pa lang ito ay crush na nya ito. Hanggang sa isang mainit na gabi ang pinagsaluhan nila. Para syang nanalo sa lotto ng mapagalaman nyang sya ang una nito sa sa lahat. At gagawin nya ang lahat maulit lang ang langit na tinamasa nya sa piling nito. Kinaumagahan ay nagising syang may nakatutok na baril sa kanya. Nasa kwarto na pala ang mga magulang ni Ivona at galit na galit na nakatingin sa kanya. Ang akala ng mga ito ay pinilit nya si Ivona. Tinakot sya ng mga itong idedemanda ng rape kung hindi nya pakakasalan si Ivona. Pumayag naman sya hindi dahil sa takot syang maidemanda kundi gusto nyang ariin na ng buo si Ivona at ikulong sa piling nya ng habang buhay. Ngunit nalaman nyang planado lang pala ang lahat dahil gusto ng mga itong kikilan sya ng pera. Namuhi sya sa dalaga pero hindi nya ito kayang pakawalan. Luis Gregory Federova and Ivona Aguaz story #TAGALOG #MATURE-CONTENT
DG Series #1: Captive Heart by lhiamaya
lhiamaya
  • WpView
    Reads 3,181,113
  • WpVote
    Votes 59,193
  • WpPart
    Parts 50
Si Aitana ay simpleng guro na nagtuturo sa pampublikong paaralan. Hindi naman talaga nya pangarap ang maging guro. Naging guro sya dahil sa tiyahin nyang matandang dalaga na dati ding isang guro na retirado na. Ang pangarap talaga nya ay maging isang beauty queen. Matalino naman sya, maganda at sexy. Yun nga lang kapos sya sa height at medyo lagapak sa behavior. Madalas syang napapaaway sa totoong buhay man o sa social media kaya madalas din syang nawawarningan sa school. Pero masusubok yata ang powers nya sa isang gwapo, matangkad at machong pulis pero ubod ng arogante at dominante. Uubra kaya sya dito o matitiklop sya? Lorenzo Villegas and Aitana Mangubat story #MATURE #TAGALOG