lostdreamerV
Para kay Ara Galang, simple lang ang goal niya sa college life: pumasa, makahanap ng matinong tropa, at huwag mapahamak sa mga walang kwentang drama. Pero paano kung mismong tropa niya ang mismong nag-imbento ng "Operation Cupid"-isang planong magpapagulo sa mundo niya?
Sa gitna ng kulitan, kalokohan, at mga prank ng barkada, unti-unting nahulog ang loob ni Ara sa campus heartthrob na si Jeron Teng-ang seryosong varsity player na laging may bantay... hindi lang sa court, kundi pati sa puso ni Ara.
Ang problema? May isang taong ayaw patalo-si Thomas Torres, bansot pero palaban, na handang gawin ang lahat para makuha si Ara at talunin si Jeron kahit sa labas ng basketball court.
Sa laro ng pag-ibig, walang time-out. Kaya sino ang mananalo-ang seryoso, ang palaban, o ang mismong pusong pinaglalaruan ng tadhana?