LadyInRedInk
"Daniel!" Sigaw ko
Lumapit siya sa akin at nagsalita. "What do you want?"
Tinapik naman ako ng dalawang damuho at lumayo layo sa akin ng kaunti. Teka, bakit parang ang lapit naman nitong gagong 'to?!? Napaiwas naman ako ng tingin.
"C-can you be my boyfriend? I mean, fake boyfriend! I badly need your help!" Halos pabulong nalang na sagot ko dahil sa sobrang magkalapit na mukha namin.
Napangisi naman siya. "Why? Halos hindi ka nga maka tingin sa mga mata ko" mas lalo akong napaiwas.
"Ask me again habang nakatingin ka sa mga mata ko or else... I will kiss you hanggang manginig ka lalo riyan" punyeta 'to! Akala niya ba lahat nalang makukuha niya?!?
"I need you, Daniel. Please, be mine.. I mean, be my boyfriend.. fake boyfriend" nahihirapang saad ko ng nakatingin na sa mga mata niya.
*Ngumiti siya! Ngumiti siya!*
"Ayoko." Mariing saad niya at tumalikod na. Akala mo kung sino, ang yabang! Sana hindi niya nalang pinagawa yun! Nakakatanggal ng angas, gago!
Simula ngayon hindi na kita tatantanan, Daniel Elizeov Montellano! Hindi mo ako mapipigilan dahil ako si Freida D. Maciajin at walang nakakapigil sa akin!