eunellesoreno
- Reads 1,113
- Votes 32
- Parts 19
Simula noong makita ni Sam si Rin sa karenderya ni Aling Betchay, hindi na ito mawaglit sa kaniyang isipan. Nang malaman niyang nasa pareho lang silang paaralan nag-aaral, gumawa siya ng paraan para mas mapalapit dito.
Ngunit, si Rin ay may tinatagong mga sekreto. Sa likod ng maamo nitong mukha at magagandang ngiti, may nakabalot na isang anino na hindi nito gustong makita ng lahat.
Nang madiskubre ni Sam ang tungkol doon, hindi niya alam ang gagawin. Bigla siyang nakaramdam ng takot. Gusto niyang umatras, ngunit huli na. Huli na dahil unti-unti na siyang nahuhulog sa dalaga.