CrezyBeetch
Si Kassandra Heats at Gavin Ossmits ay hindi mag kababata. Oo, mag kakilala na sila mula noong sinilang sila. Pero hindi sila magkaibigan. Walang tawag sakanila. Malapit na mag kakaibigan ang mga magulang nila kaya noong mga sanggol palang sila at wala pang nakikita, nag kasama na sila sa iisang lugar. Pangalawang anak si Gavin habang nag iisang babaeng anak at bunso naman si Kassandra. Napaka-dami nilang hindi pinag-kakasundo. Halos lahat yata ay pinag aawayan nila. Daig pa ang isang Leon at Tigre kung mag away. Ultimo sa gitna ng kalsada, hindi nahihiya. Pinalaking palaban kasi si Kass, kaya ultimo Teacher niya na major sa math ay hinaharap niya at hindi kinatatakutan.
Pero sa paglipas ng panahon na sabay silang lumaki at mas nakilala ang isa't-isa, posible kayang may Happy Ending silang makukuha sa dulo? O baka naman, from the start palang, wala na talaga?