Ouch.
6 stories
Kathang Isip by alyloony
alyloony
  • WpView
    Reads 776,185
  • WpVote
    Votes 46,130
  • WpPart
    Parts 28
Pareho kaming nag mahal ng maling tao. Siya---doon sa babaeng hinding hindi niya maabot. Ako---sa kanya na hanggang kaibigan lang ang turing sa akin. Sa larangan ng pag-ibig, meron at meron talagang matatalo.
Tears of Heaven (Tears Series #1)  by MsKindGirl
MsKindGirl
  • WpView
    Reads 7,782,980
  • WpVote
    Votes 183,619
  • WpPart
    Parts 55
PUBLISHED UNDER TALKING PAGES Tears Series #1: Sieana Claire Atienza Naisipan ni Sieana Claire Atienza na lumuwas ng Manila para doon na mag-aral. Tutol man ang kanyang mga magulang, nagpumilit pa rin siya sapagkat may gusto siyang takasan. Walang iba kundi ang lalaking nanakit sa puso niya, ang kanyang first boyfriend. Hindi niya akalain na sa loob ng dalawang taon nilang relasyon ay niloloko na pala siya ng taong lubos niyang minahal. Masakit. Sobrang sakit para sa kanya kasi halos ibigay na niya ang lahat pero nagawa pa rin siyang lokohin nito. Isa lang ang nasa isip niya, ang lumayo sa lalaking nanakit sa kanya. Sinabi niya sa kanyang sarili na hindi na siya magmamahal kasi natatakot na siyang muling masaktan. Posible nga kayang mangyari 'yon kung makilala niya si David Ryker Santiago na ubod ang sama ng ugali sa Univeristy na kanyang nilipatan. Marami rin ang nagsasabi na aloof ang lalaking 'yon kasi iwas siya sa mga tao. Ngunit paano kung ang aloof guy na tinatawag nila'y wala nang ginawa kundi ang bwisitin siya... Hahayaan niya bang makapasok 'to sa buhay niya o ilalayo niya ang kanyang sarili kasi natatakot na siyang muling masaktan pa? Cover is not mine. Credits to the rightful owner.
Lucid Dream by alyloony
alyloony
  • WpView
    Reads 14,510,283
  • WpVote
    Votes 584,475
  • WpPart
    Parts 22
Merong iba't-ibang paraan ang mga tao para makatakas sa reyalidad. Yung iba nagbabasa ng libro, nanonood ng mga drama sa tv, nakikinig ng music. Meron namang nagsusulat, nag d-drawing, nag p-paint, at nag co-compose ng kanta. Pero si Angelique, ang paraan niya ng pagtakas sa reyalidad ay tuwing nananaginip siya. Dahil meron siyang ibang kakayahan. Ang kakayahan na kontrolin at i-manipulate ang sarili niyang panaginip.
I Love You Since 1892 by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 133,719,668
  • WpVote
    Votes 885
  • WpPart
    Parts 47
Published book, series and now a Wattpad Original. Read the original story or watch new episodes weekly only on VivaOne. Hindi intensiyon ni Carmela Isabella ang umibig, lalo na sa taong 1892. Mula sa taong 2016 ay mapupunta siya sa nakaraan nang may isang misyon: huwag hayaang umibig sa kanya si Juanito Alfonso, ang anak ng kilalang gobernadorcillo at ang lalaking nakatakda niyang makaisang-dibdib. *** Palaging kinukuwestiyon ni Carmela Isabella ang mga kuwentong nakabaon sa nakaraan ng kanyang pamilya, ngunit hindi niya akalain na mula sa panahong 2016 ay mapupunta siya sa taong 1892 sa pamamagitan ng isang lumang talaarawan at ang Arch of the Centuries na kanyang nagsilbing portal. Inatasan siya ng isang misteryosong madre upang gawin ang napakahalagang misyon: kailangan niyang mamuhay bilang si Carmelita Montecarlos, ang bunsong anak ng pinakamayamang pamilya sa San Alfonso at siguruhing mapipigilan si Juanito Alfonso--ang nakatakdang mapangasawa ni Carmelita--na umibig sa kanya. Sa nalalapit nilang kasal at sa kasaysayang naghihintay na maisulat muli, ang pag-ibig na hindi naman sinadya upang maranasan ng dalawang inosenteng puso ay muli bang masisilayan pagkalipas ng isang siglo? Book Cover by: LIB Publishing Illustrated (Charcoal Painting) by: Warner Jr. DISCLAIMER: This story is written in Taglish. Started: June 01, 2016 Completed: April 27, 2017
Kaya Ko Ba? by nakalimutankoe
nakalimutankoe
  • WpView
    Reads 256,353
  • WpVote
    Votes 10,540
  • WpPart
    Parts 55
"Magpakapraktikal ka na lang," ang opinyon ng ilan. Bilang isang estudiyante na walang passion o eksaktong plano sa buhay, kinagat ni Jackson ang payong ito. Ngunit sa kaniyang pag-aaral, marami siyang kinaharap at napagtanto na nagbunga nang mas lalong pagdududa sa kaniyang kakayahan. Habang tumatagal, lumalim nang lumalim ang pagkabagabag sa kaniya hanggang sa kinuwestiyon na niya na ang kaniyang sarili . . . 'Kaya ko ba?'
Salamisim (Published by Flutter Fic) by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 12,817,281
  • WpVote
    Votes 588,868
  • WpPart
    Parts 39
Ang Unang Serye. "Isang araw, nagising na lang ako sa loob ng kuwentong isinulat ko." Natuklasan ni Faye na nagagawa niyang makapasok sa kuwento na kaniyang isinulat. Ang kaniyang nobelang Salamisim ay tungkol sa pagmamahalan ng isang dalaga na anak ng gobernadorcillo at ng isang binatang nabibilang sa samahan na naglalayong pabagsakin ang pamahalaan. Nakilala ni Faye ang lahat ng karakter na kaniyang pinangalanan. Naranasan niya ang lahat ng eksena na binuo ng kaniyang malikhaing kaisipan. At narinig niya ang lahat ng linya na kaniyang pinaghirapan. Hindi siya naniniwala sa Happy Ending, ngunit paano na ngayong nakilala niya si Sebastian Guerrero? Ang pangalawang tauhan na siyang magiging hadlang sa kuwento. Hanggang saan ang kayang gawin ng manunulat upang protektahan ang kaniyang akda kung mahuhulog ang kaniyang damdamin sa antagonista? Date Started: February 29, 2020 Date Finished: May 26, 2020 Published by Flutter Fic/ Anvil Publishing All Rights Reserved 2020