gbritania's Reading List
36 stories
❤A Promise of Love (COMPLETED - Published under PHR) by iamsapphiremorales
iamsapphiremorales
  • WpView
    Reads 97,476
  • WpVote
    Votes 1,687
  • WpPart
    Parts 10
Bago nagkahiwalay sina Althea at Hubert ay nangako sila na hindi kakalimutan ang isa't-isa. Nakahanda rin si Althea na maghintay sa pagbabalik nito. And she remained true to her promise. Ngunit sa kung anong dahilan ay bigla na lang nawalan sila ng komunikasyon. Nasaktan si Althea pero hindi pa rin niya magawang hindi mahalin ito. At kahit lumipas na ang mga taon, ito pa rin ang nagmamay-ari ng puso niya. Kahit hindi niya aminin, umasa pa rin siya na darating ang araw na magkikita uli sila, na pwedeng madugtungan ang kanilang kahapon. Natugunan naman ang hiling niya. Ngunit ikakasal na ito sa ibang babae... Note: 2006 pa po ito na-published so pasensiya na po sa mga medyo malalalim at makalumang mga words =)
PERFECT FIT (COMPLETED) by angelbphr
angelbphr
  • WpView
    Reads 221,071
  • WpVote
    Votes 5,014
  • WpPart
    Parts 11
Walong taon na ang nakaraan nang iwan ni Tricia si Rafael nang walang paliwanag para manirahan sa Amerika. At ngayong nagbalik siya, ang tanging gusto niya ay mahalin uli ito. Pero sabi nga ng kaibigan niya, masyadong maraming mali sa fairy tale niya para magkaroon ng katapusang happy ever after. Siya-hindi si Rafael-ang Princess Charming na nag-iwan sa kanyang Cinderella. "He will never willingly fit your glass slippers," naalala pa niyang sabi ng kaibigan niya. Oo nga naman, mataas ang pride ni Rafael. And she needed to be more creative if she wanted to win his heart back. Lalo na at may isang sekreto ang kanyang paglisan na maaaring maging dahilan ng tuluyang pagkasuklam nito sa kanya. Perfect Fit ang pangalawang nobela ko na na-publish sa PHR noong 2009. Noong binabasa ko siya ulit, nanghihinayang ako kung bakit maiksi siya masyado. One day, magmamakaaawa ako sa publisher ko na magsusulat ako ng mas mahabang version nito para ma-publish. Pero in the meantime, I hope you guys enjoy Tricia and Rafael's story.
Hindi Huwad ang Pag-ibig ko by JoannaHurgo
JoannaHurgo
  • WpView
    Reads 26,050
  • WpVote
    Votes 475
  • WpPart
    Parts 15
Dati'y parang prinsesa si Laarni sa isang fairy tale story. Magagara ang mga kasuotan, mararangya ang mga okasyong dinadaluhan. At maging ang pagmumodelo ay isa lamang libangan at hindi hanapbuhay para sa dalaga. Hanggang sa mamatay ang kanyang ama. Wika nga'y doon natapos ang kanyang maliligayang araw. Nakatakda palang siya ang magbayad sa hiram na luhong ipinalasap nito sa kanya. Kaya ba niyang manloko ng isang tao mapanatili lamang ang kinasanayang buhay? Paano kung ang taong lolokohin niya ay kasingtunog ng milyonaryong si Adam Montelibano? At paano rin kung matuluyan siyang mapaibig dito?
My Deceitful Sweetheart by Cora Clemente by LittleMissBonita
LittleMissBonita
  • WpView
    Reads 39,428
  • WpVote
    Votes 397
  • WpPart
    Parts 12
MY DECEITFUL SWEETHEART by Cora Clemente Published by Precious Pages Corporation "Hindi kita hinanap, ako ang nilapitan mo. Hindi kita inakit, ikaw ang nanligaw." ©️Cora Clemente and Precious Pages Corporation
Just Mine by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 335,494
  • WpVote
    Votes 5,789
  • WpPart
    Parts 15
This is one of my very first books, considered classic by many readers who had the chance to have a copy way back in 1999. Published by Precious Pages Corporation. reprint is now available
Man Of My Dreams (The Heartbreaker) - Cora Clemente by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 7,929
  • WpVote
    Votes 110
  • WpPart
    Parts 10
Walang ibang mahalaga para kay Sebastian kundi ang makuha ang kontrol ng kompanya ng kanilang pamilya. Ngunit may isang kondisyong inilatag sa kanya ang tiyahin niya na dating kumokontrol sa kompanya. Mapapasakanya ang hinahangad niya kung mapapaibig niya si Jelena. Sa kagustuhang makamtan ang full control sa kompanya ay napilitan siyang pumayag sa gusto ng kanyang tiyahin. Nagawa niya ang kanyang misyon. Napaibig niya ang walang kamalay-malay na si Jelena. Ngunit ang hindi nya inaasahan, dalawang puso ang masasaktan dahil sa ginawa niya... Kabilang na ang kanyang puso na di sinasadyang umibig sa dalaga.
Paint My Love (Completed!) by IamAyaMyers
IamAyaMyers
  • WpView
    Reads 829,300
  • WpVote
    Votes 13,175
  • WpPart
    Parts 14
Arthur Franz de Luna's story. :) Kumukulo ang dugo ni Ada sa boss niyang si Arthur Franz de Luna. Adelantado at arogante ito. Tila misyon din nito sa buhay ang painitin ang ulo niya araw-araw. Kaya lagi rin siyang may sagot sa bawat atake nito. Kung hindi nga lang napakalaki ng utang-na-loob niya sa mga magulang nito ay matagal na siyang nag-resign sa trabaho. Pero naglaro ang tadhana. Nagkasakit siya at ang binata ang nasa tabi niya. Hindi niya inasahan ang labis na pag- aalala nito sa kanya. Sa unang pagkakataon, nakapag-usap sila nang hindi nagbabangayan. Iyon ang naging daan para magbago ang pakikitungo nila sa isa't isa. Nadiskubre niya ang magagandang katangian nito na hindi niya nakikita noon dahil sa inis niya rito.
Pangarap Kita by Andrea Almonte by DollPsychoMe
DollPsychoMe
  • WpView
    Reads 27,716
  • WpVote
    Votes 456
  • WpPart
    Parts 12
Si Tiara ay isang tala na gusto sanang maabot ni Erwin, pero panano ba abutin ang talang kasingsupladang magandang dalaga? Defense -mechanism na lang ng binata ang ginawa nitong pagsusuplado sa mataray na pinsan ng kanyang kaibigan nang magkasama na naman sila sila sa pag solved sa isang kaso. Ang problema, mukhang nahamon nito ang pride ni Tiara, to the point na ginamit niya ang charm para lang matalo sa isang pustahan ang guwapong binata. Kaya lang..... mukhang siya ang nahuhulog sa charm ni Erwin. Story by Andrea Almonte
GEMS 8: My Husband's Wedding by AgaOdilag
AgaOdilag
  • WpView
    Reads 60,927
  • WpVote
    Votes 963
  • WpPart
    Parts 16
Cain and Terry were married seven years ago. But because it was just an arranged marriage at puno ng teknikalidad ay napawalang-bisa ang kasal nila. They parted as friends at sa loob ng mahigit limang taon, tuwing may okasyon, ay hindi nila nakalimutang padalhan ng regalo ang isa't isa. Maayos ang lahat hanggang sa isang araw ay magising na lamang si Terry na hinahanap niya si Cain. And worst, she realized she was falling in love with his memory. So Terry left her high-paying job in Manhattan just to be with him. Pero pagdating niya sa Hacienda Rosalina ay masamang balita ang sumalubong sa kanya. Cain was getting married! And this time, hindi sa kanya!
KRISTINE SERIES 25: Have You Looked Into my Heart? by AgaOdilag
AgaOdilag
  • WpView
    Reads 126,072
  • WpVote
    Votes 2,004
  • WpPart
    Parts 23
Nang unang masilayan ni Serena si Jared Atienza ay nakita niya rito ang katuparan ng mga suliraning iniwan sa kanya ng namayapang mga magulang. Jared Atienza was filthy rich. Bale-wala rito ang halaga ng pagkakasangla ng asyenda nila. That he was sinfully handsome was an added bonus. Kailangang maakit niya ito sa anumang paraan. Jared couldn't care less about his grandfather's codicil. He had come to value his independence. Marriage meant giving it up. His parents were wealthy. Hindi sila maghihirap kung hindi siya mag-aasawa. But that changed when he saw Serena Manzanares. Though she wasn't his type, he desired her. Kailangang mapapayag niya ito sa marriage of convenience--sa anumang paraan. ____ **from the works of Martha Cecilia**