𝑻𝒘𝒐 𝑮𝒐𝒍𝒅𝒔, 𝑶𝒏𝒆 𝑺𝒕𝒂𝒈𝒆
AraOzaus
Jeremiah Emmanuel "Jeo" Ong, anak ng kilalang vlogger couple na sina Geo at Janice Ong, ay hindi lamang isang heartthrob sa buong bansa-isa rin siyang basketball prodigy at content creator na sinusundan ng milyon-milyong fans. Sa kabilang banda, si Y/n, isang mahinhin ngunit energetic na dance sport champion mula sa Mindanao, ay may sariling bituin na pinatutunayan sa entablado ng sayaw.
Sa araw ng kanilang graduation, isang pambihirang pangyayari ang naganap-pareho silang itinanghal na valedictorian, parehong may gold sa regional competitions, parehong hinangaan sa kanilang larangan. Sa iisang entablado nagsimula ang kwento nilang dalawa.
Habang papasok ang summer, si Y/n ay biglang naging bahagi ng viral vlogs ng Ong Fam, at sa isang iglap, naging usap-usapan sa buong internet. Subalit sa kabila ng spotlight, naramdaman niya ang pressure at pangambang dala ng biglaang exposure. Sa tulong ng suporta ni Jeo at ng kanyang pamilya, unti-unting natutunan ni Y/n na mahalin ang sarili sa gitna ng mata ng publiko.
Ngunit dumating ang oras ng mga matitinding desisyon: isang international dance scholarship ang inalok kay Y/n, habang si Jeo naman ay nakatanggap ng offer mula sa isang national basketball league. Sa pagitan ng mga pangarap at pag-ibig, pinili nilang sundan ang kani-kanilang landas-hindi para maghiwalay, kundi para lumago.
Ito ay isang kwento ng dalawang kabataang parehong nagningning sa sariling mundo, ng isang pag-ibig na pinanday sa respeto at pangarap, at ng paniniwalang kung kayo, kayo talaga-kahit gaano pa kalayo, kahit gaano pa katagal.
P.S.
The people and characters mentioned in this story are not mine-they are inspired by real personalities and public figures. However, the storyline, plot, and creative direction are entirely fictional and created by me. This is a work of fan fiction for entertainment purposes only. 💛
- AFP.GS ✍️