naikosei_
Si Ysa Magnayon ay isang simpleng dalagang namumuhay nang payapa sa probinsya, kasama ang kanyang pamilya, ang nag-iisa niyang kuya, at ang matalik niyang kaibigang si Jhen na laging kasama niya saan man siya magpunta. Bilang kaisa-isang anak na babae, mas naging mahigpit ang kanyang mga magulang sa kanya, hindi dahil sa paghihigpit na walang dahilan, kundi dahil sa matinding pag-aalala at pagmamahal.
Lumaki si Ysa na may limitasyon sa kanyang bawat galaw ngunit hindi hadlang ito upang lumaki siyang hindi kuntento sa buhay. Wala siyang hinahanap na sobra. Tahimik ang lahat. Payapa sa puder ng kanyang magulang.
Hanggang sa dumating ang gabing iyon.
Isang malamig at kagimbal gimbal na pangyayari.
Na naging simula ng unti-unting nagpabago sa kanyang tahimik na buhay.