Filipinang_Manunulat
Dinala ni Axter si Luna sa Devron Academy dahil doon na lang ang ligtas na lugar para kay Luna sa Majika. Ngunit hindi pa siya nagtatagal ng dalawang araw sa mundo ng Majika ay kinamuhian na siya ng prinsipe ng Sacred Kingdom dahil sa pangyayaring hindi naman nila inaasahan at ginusto.
Maging ang konseho ng academy ay iniisip na silang dalawa ni Axter ay isang kalaban hanggang sa napagdesisyonan na bibitayin si Axter.
Ano ang dapat gawin ni Luna upang hindi matuloy ang pagbitay kay Axter? Maiiligtas ba niya ang taong nagligtas sa kanya? Matatanggal ba ang pagkamuhi ng prinsipe kay Luna sa pagdaanan nilang misyon o mas lalo lamang siya nitong kamumuhian?
Tunghayan natin ang mga pagsubok na kakaharapin ni Luna sa unang yugto ng buhay niya sa Majika.