willbeasomebody
Taong 2027 nang bumagsak ang huling base at tirahan ng mga tinaguriang "unsullied"-mga taong nanatiling virus free mula sa virus na sumira ng mundo. Tuluyan nang nilamon ng mga zombie ang bawat sulok ng planeta, ngunit sa gitna ng tila walang pag-asang hinaharap, nanatiling matatag ang dalawang natitirang survivors: sina Ethan at Kirsten.
Sa kabila ng pangamba at panganib ay sinuong nila ang kanilang sarili sa isang misyon na tanging nagbibigya sa kanila ng pag-asa.
Isang misyon na nagdala sa kanila patungo sa lungsod ng Taguig na dating naging isa sa mga sentro ng komersyo sa bansa. Doon, sa isang lihim na pasilidad ay nakatago ang isang machine na nilikha ng dating scientist na nakasama nila noon sa base bago ito tuluyang nasakop ng mga zombies.
Ang machine na ito ang natitirang pag-asa ng dalawa para mabago ang masalimuot na pangyayari sa kasaysayan ng mundo: isang time machine na maaring magbalik sa kanila sa nakaraan, sa panahong hindi pa kumakalat ang z-virus o kahit ang corona virus or NCOVID na naging dahilan ng pagkasira ng sangkatauhan.
Bagama't halos imposibleng magtagumpay at walang kasiguraduhan ay sinuong nina Ethan at Brenda ang mga guhong siyudad, at hinarap ang panganib ng mga zombies.
Walang kasiguraduhan kung buhay ba silang makakarating o kaya naman ay magawa nilang makarating sa naturang facility na hindi nakakagat ng mga zombies, ngunit magawa man nilang makarating doon ay isa pa ding alinlangan ang kailangan nilang harapin at ito ay kung totoo bang gumagana ang machine at madala sila sa ibang taon.