Ang Sulat
jscou_
"Sa pagitan ng mga salita, may damdaming hindi mabigkas."
Kenneth Mariano, mayaman, matalino, at halos perpekto. Isang AB Political Science student sa National University - Manila, sanay sa prestihiyo at tagumpay. Sa mundo niya, walang puwang para sa gulo - hanggang sa makilala niya si Rabin Madrigal.
Rabin - isang scholar mula sa UST, masipag, praktikal, at walang pakialam sa social status. Para sa kanya, hindi kayang bilhin ng pera ang sipag at tiyaga. Ngunit isang gabi, sa ilalim ng malakas na ulan, nagkrus ang landas nila ni Kenneth.
Mula sa isang simpleng tasa ng kape hanggang sa mga lihim na sulat, unti-unting nagbabago ang kanilang mga pananaw sa isa't isa. Pero sa pagitan ng pagkakaiba nila, kaya ba nilang isulat ang kanilang sariling kwento ng pag-ibig? O mananatili na lang silang dalawang titik sa isang hindi natapos na liham?