Love Never Ends (Sollano Brothers #4)
ShadoncrisAksjers
- ЧИТАТЕЛЕЙ 408,832
- Всего голосов 3,689
- Части 43
May mga mayayamang hindi naman talaga masaya. May mga anak na nakukuha nga ang lahat, pera, gamit, karangyaan, pero kapalit nito, kontrolado ang bawat segundo ng buhay nila. Bawat desisyon, kailangan may approval. Bawat hakbang, dapat nakaayon sa gusto ng pamilya. Walang kalayaan. Walang sariling boses. At lalong walang lugar ang salitang piliin ang sarili.
Gano'n ang buhay ni Chandria Celesta Ellison. She was raised to be flawless, elegant, intelligent, refined. Anak siya ng isang kilalang negosyante, at bata pa lang siya, itinuro na sa kanya kung paano maglakad, magsalita, at ngumiti na parang isang trophy, para lang sa imahe ng pamilya. Her life was mapped out for her. Hindi siya puwedeng magkamali. Hindi siya puwedeng sumuway.
At ang pinakamalaking expectation?
Dapat mapunta siya sa isang lalaking mayaman, edukado, kilala, at deserving sa apelyido nila. Love? Hindi 'yun kasama sa plano. At lalong hindi si Yielo Sairo Sollano.
He was everything her family feared. Wala siyang yaman, koneksyon, o posisyon sa society. Pero meron siyang simpleng pangarap, tahimik na tapang, at pusong handang magmahal nang totoo-kahit hindi tanggap ng mundo ni Celesta.
At sa hindi inaasahang pagkakataon, nagtagpo ang dalawang magkaibang mundo.