Peachxvision ❤
17 stories
Over Again by peachxvision
peachxvision
  • WpView
    Reads 10,120
  • WpVote
    Votes 754
  • WpPart
    Parts 16
Matapos ang isang di kanais-nais na aksidente, namulat na lang si Humphrey at napagtantong nabigyan siya ng isa pang pagkakataon upang makasama pa ang long-term girlfriend niyang si Irene. Kung tutuusin, sa pagkakataong ito, pupuwede niyang makasama ang kanyang pinakamamahal panghabambuhay. Ngunit alam naman ng lahat na ang mga ganitong pagkakataong ay may dala-dalang kapalit. Iisang araw, walang hanggang mga alaala, at paulit-ulit na masasakit na katapusan -- makakaya ba itong lahat ni Humphrey mapatunayan at mapanindigan lang ang bagong kahulugan niya ng "habambuhay"?
Tibok (Published) by peachxvision
peachxvision
  • WpView
    Reads 111,129
  • WpVote
    Votes 4,452
  • WpPart
    Parts 8
Tila tadhana nang makita uli ni Kayi si Kabi sa isang salo-salo matapos niya itong makasalamuha sa siksikang tren. Sa dami ng kanilang pagkakatulad, nakabuo sila ng natatanging koneksiyon . . . na madaling namang nakapagpatibok ng puso ni Kayi. Mahirap man, alam ni Kayi na kailangan niyang ihinto ang kanyang mga nararamdaman. Una, may boyfriend si Kabi na hindi niya masikmura. Pangalawa, di rin naman niya alam kung posible bang magkaroon ng pagtingin si Kabi para sa kanya. Pero kung tadhana na ang paulit-ulit na nagsasabing pagmamahalan ang dapat magwagi, mapipigilan pa ba niya ito? Pula, kahel, dilaw, luntian, bughaw, indigo, lila -- ano nga ba ang kulay ng pag-ibig? Published by Summit Books under the Pop Fiction imprint © 2020 (with additional content). Now available in bookstores nationwide.
Mahal ng Araw by peachxvision
peachxvision
  • WpView
    Reads 23,536
  • WpVote
    Votes 1,353
  • WpPart
    Parts 3
Ang pagtingin ni Sun sa pag-ibig ay tulad din ng araw -- lulubog at lilitaw. Ngunit may ilang babae sa kanyang buhay ang nakapagpabago ng kanyang paniniwala. Na di lahat ng kanyang iibigin ay tugma sa pagkakataon. Na di lahat ng kanyang iibigin ay handang manatili. At ang pag-ibig na wasto at mamamalagi ay isang araw-araw na dalangin.
Lost and Found by peachxvision
peachxvision
  • WpView
    Reads 303,573
  • WpVote
    Votes 13,218
  • WpPart
    Parts 37
Hiniling ni Ma. Natasha Kaluag, o Tasha, ang isang unique na malatelenobelang buhay. Ibinigay naman ito ng universe nang mawala ang wallet niyang may laman dapat na one-by-one picture na inabot naman ni Theo Agustino. Ang pagbintangan si Theo nang makita niyang wala ang litrato sa wallet ang nag-umpisa ng pag-iiba ng kanyang mga araw at ang paghahanap ng isang bagay na si Theo lamang ang makapagbibigay. Hindi maganda ang nakaraan ni Theo -- na-late siya ng isang taon sa pag-aaral dahil sa isang aksidente at nawala ang tsansa niya sa taong matagal na niyang gusto. Kaya nang matagpuan niya ang wallet ni Tasha at mapagbintangan siyang itinago ang litrato nito, alam ni Theo na may pagkakataon pa siyang mag-umpisa ng bagong kabanata na si Tasha naman ang kasama. Dalawang taong nawalan, dalawang taong may nahanap. Kung sabay ba nilang tutuklasin ang mundo ng pag-ibig na ngayon pa lang nila mararanasan, sabay rin ba silang mawawala?
Crosswalk by peachxvision
peachxvision
  • WpView
    Reads 54,189
  • WpVote
    Votes 3,885
  • WpPart
    Parts 10
'Wag tumawid. Nakamamatay. Masunurin sa batas si Glamor Izabelle Ramos, a.k.a. Glai, lalo na sa mga batas sa daan. Late na siya't lahat, hihintayin niya pa rin niyang maging berde ang pedestrian signals bago tumawid. Blessing naman ito dahil dito magkukrus ang landas niya at ng kanyang "ideal guy." Nga lang, ang "ideal guy" pala niya ay ang supervisor ng department nila sa opisina, si Aion. Masaya na sana ang lahat . . . kaso taken pala si Aion base sa mga nakatenggang social profiles niya. Maguguluhan pa si Glai dahil iba ang ikinikilos ni Aion tuwing sila ang may moment. May mga pagkakataon nga ba kung kailan puwede isantabi ang mga patakaran . . . o maninindigan si Glai na hintayin ang green light ng pag-ibig?
Huli & Una by peachxvision
peachxvision
  • WpView
    Reads 26,992
  • WpVote
    Votes 1,750
  • WpPart
    Parts 1
See external link for the real style and format of the story.
1 Message Received (Published) by peachxvision
peachxvision
  • WpView
    Reads 49,838
  • WpVote
    Votes 2,170
  • WpPart
    Parts 1
Enter text here. Included in the Summit Books Originals: Between Now and Ever After © 2015. Now available in bookstores nationwide.
Want Some Coffee? by peachxvision
peachxvision
  • WpView
    Reads 22,807
  • WpVote
    Votes 1,416
  • WpPart
    Parts 1
When feelings cannot be told, offer a cup of coffee.
A Doll's Story by peachxvision
peachxvision
  • WpView
    Reads 36,290
  • WpVote
    Votes 2,734
  • WpPart
    Parts 1
Just another story of a doll who could talk . . . and feel.
Bukas Na by peachxvision
peachxvision
  • WpView
    Reads 29,566
  • WpVote
    Votes 1,403
  • WpPart
    Parts 1
Wag mong isasara.