zaruwrts
Si Marco Lozano ay lumaking sanay sa magulong buhay ng kalsada-sa ingay ng motor tuwing gabi, sa rambulan sa kanto, at sa mundong kailangan mong maging matigas para hindi ka lamunin. Kasama ang mga kaibigan niyang sina Cyrus at George, araw-araw niyang pilit tinatawid ang buhay na matagal nang hindi naging madali para sa kanila.
Sa kabilang banda, si Althea Arcelan naman ay lumaking nasa loob ng mundong maayos, tahimik, at kontrolado. Isang buhay na maraming may gusto, pero hindi niya kailanman lubos na naramdaman na kanya talaga. Kasama ang ate niyang si Samantha at matalik na kaibigang si Myca, sanay siyang umiwas sa gulo-hanggang sa gabing hindi niya inaasahang masasangkot siya rito.
Isang gabi.
Isang maling lugar. Isang serye ng maling desisyon. At isang pagtatagpong hindi dapat nangyari.
Sa gitna ng takot, gulo, at mga problemang hindi nila kayang takasan, unti-unting nagbago ang tingin nila sa isa't isa. Pero habang lumalalim ang koneksyon nila, mas lalo nilang naiintindihan kung gaano kalaki ang agwat ng mga mundong pinanggalingan nila.
Dahil hindi lahat ng pagmamahal kayang tumbasan ang realidad.
At minsan, ang pinakamahirap labanan ay hindi ang mga taong gustong maghiwalay sa inyo-
kundi ang mundong matagal nang nagsasabing hindi kayo bagay.