favorite
13 stories
Hating, Loving Each Other - Jasmine Esperanza by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 22,953
  • WpVote
    Votes 319
  • WpPart
    Parts 11
"Sabihin mo nga sa akin, ano ang gusto mong kapalit para hiwalayan mo ang kapatid ko?" Sa pakiramdam ni Lirio ay pabulong lamang iyon na nagmula sa ibabaw ng kanyang ulo. "Wala kang dapat na hinging kapalit," sabi niya sa pilit na pinatatatag na tinig. "Hindi mo kami kayang paghiwalayin ni Gabriel." "Kaya?" tila nakakalokong sagot ni Angelo. Bigla ang ginawa niyang paglingon. At sa ginawa niyang iyon ay halos mag-abot ang kanilang mga mukha. Dumaplis sa mukha niya ang mainit-init na hininga ng binata. "You are not the right woman for my brother," kaswal na sabi ni Angelo. Umismid siya, saka humakbang para iwan ito. "At saan ka naman kumuha ng karapatan para sabihin iyan?" Bahagyang ikinibit nito ang balikat. "Dito." In one swift move, natagpuan niya ang sariling nakakulong sa mga bisig nito. Ang mga labi nito ay umangkin sa mga labi niya. At sa pagkakataong iyon ay mas determinado itong hindi na siya makaaalpas pa.
Ngayon Ang Panahon Para Ibigin Ka - Pilar I. Magarro by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 6,188
  • WpVote
    Votes 87
  • WpPart
    Parts 10
No one had ever touched her that way before. "I want you, Angie." Tila ito mahihirinan. "And I want you, too." Muli nitong inilapat ang mga labi sa kanya, naging more passionate and demanding. Ngunit naglaho ang lahat nang narinig niya itong nagsalita. "What the hell..?" Bigla itong bumangon. "Get up, Angie, and go home!" Sandali siyang natulala bago dahan-dahang bumangon. Sa laking kahihiyan ay halos takbuhin niya ang daan patungo sa kanila. What a fool she had been!
For There's Only You - Antoinette by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 7,763
  • WpVote
    Votes 173
  • WpPart
    Parts 11
Pitong taon na ang nakalilipas nang tumakas siya sa kasal na itinakda sa kanya ng kanyang ama at pinili ang makapagtrabaho sa Texas bilang isang nurse. At sa loob ng mga taong iyon, noon lang siya umuwi. Tinapos muna niya ang kanyang kontrata at hindi na muna muling pumirma. Kumusta na kaya ang Daddy? Galit pa kaya ito hanggang ngayon? Ni isa sa mga sulat niya at tawag ay hindi nito tinugon simula nang umalis siya ng San Jose...
PHR: Mananatili Kang Akin (Teaser) by Imperfect_Philozoic
Imperfect_Philozoic
  • WpView
    Reads 71,408
  • WpVote
    Votes 801
  • WpPart
    Parts 9
The truth that RJ is not my son does not change the fact that you are my wife..." "Pinakasalan kita dahil iyon lang ang paraan upang mapasaakin ang aking anak. Pero hindi iyon nangangahulugan na pahihintulutan kitang makipagtagpo sa ibang lalaki. Mananatili kang akin, Janis..." Janis swallowed the vile things she wanted to hurl at Rolf. Dalawang buwan pagkatapos nilang ikasal ay umalis ang asawa at nangibang-bansa. Lihim siyang natuwa dahil naingatan ng paglayo nito ang kanyang sekreto. But after three and a half years, Rolf was back. At nakapagtatakang sa kabila ng pagkasuklam niya rito ay hindi niya kayang tanggapin na may ibang babae ito na pinag-uukulan ng pansin.
THE STORY OF US 2: AZENITH & ZARDOU (published under PHR1847) by jinkyjam
jinkyjam
  • WpView
    Reads 99,543
  • WpVote
    Votes 2,048
  • WpPart
    Parts 10
Ang akala ni Azenith ay tahimik na ang mundo niya. Sa kabila ng mga nangyari sa kanya ay maraming oportunidad ang kumatok sa pinto niya. Subalit nang makarating sa kanya ang balita na nasa Maynila rin si Zardou-- ang lalaking pinakaiiwasan niya -- ay naalarma siya. Hindi nito dapat malaman ang kanyang kinaroroonan. Mayaman ang lalaki at kayang-kaya nitong bawiin sa kanya ang lahat, maging ang kanyang dignidad. Pero nangyari ang kinatatakutan ni Azenith. Hindi sinasadya ay nagkrus ang kanilang mga landas. Natuklasan niyang hindi pa rin nawawala sa kanyang puso ang mahikang dulot ni Zardou sa tuwing matitigan siya nito. Ngunit sa estado nito ngayon, alam niyang hindi na maaaring dugtungan ang kanilang nakaraan...
MISS ULTIMATE BELIEVER IN TRUE LOVE (Published under PHR5303)Completed by jinkyjam
jinkyjam
  • WpView
    Reads 72,005
  • WpVote
    Votes 1,633
  • WpPart
    Parts 12
Nakilala at nakapalagayang loob ni Portia si Nic, ang lalaking kagaya niya ay mahilig din sa mga animated at fairy-tale movies. Sa ilang beses na pag-imbita ni Nic na manood sila ng sine ay tila may mahikang taglay ang binata na hindi matanggihan ni Portia. At sa isang iglap ay namalayan na lang niyang hinalikan siya ni Nic. Para kay Portia, itinuring niyang isang hangin lang na dumaan sa buhay niya ang namagitan sa kanila ni Nic. Nagpalit siya ng cell phone number upang maiwasan at para hindi na siya magambala muli ng binata. After all, wala siyang kaide-ideya kung sino talaga si Nic at ganoon din ito sa kanya. Subalit hindi inakala ni Portia na muli niyang makikita si Nic. Isang masamang biro na si Nic o Gannicus pala ang kaisa-isang anak na lalaki ng kanilang boss at ang binata na ang nakatakdang mamahala sa kompanyang pinapasukan niya... Makakaya pa kayang pangatawanan ni Portia ang pag-iwas kay Gannicus gayong ang binata na mismo ang lumalapit sa kanya?
BECAUSE OF YOU | BY: JINKY JAMOLIN by kiaralakshmi
kiaralakshmi
  • WpView
    Reads 6,394
  • WpVote
    Votes 98
  • WpPart
    Parts 10
Madalas makapanaginip ang tatay ni Elizabeth na ikinakasal daw siya sa isang mayamang lalaki. Sa halip na matuwa ay nalungkot pa siya. 'Di nga ba't kabalig-taran ang panaginip? Ibig sabihin, kahit kailan ay hindi siya magiging bride. Siguro nga. Dahil ang nag-iisang lalaki na nais niyang maging asawa ay malabong maibigan siya. Kailan ba nangyaring na-attract ang isang hacendero sa isang trabahante nito? Pero ano itong ipinapakita sa kanya ni Leo Villagracia? Bakit tila nagseselos ito sa mga lalaking nagpapamalas ng kabaitan sa kanya? Walang kaabug-abog na pinalasap pa siya nito ng marubdob na halik at makakalas-butong yakap. Hindi naman parusa ang iginawad nito sa kanya kundi isang biyaya...
HERE IN MY HEART | BY: JINKY JAMOLIN by kiaralakshmi
kiaralakshmi
  • WpView
    Reads 4,809
  • WpVote
    Votes 43
  • WpPart
    Parts 14
Pagkaraan ng mahabang panahon, nabulgar ang kasinungalingang binuo ng mama ni Andrea sa kanyang isip at sumira sa kanilang pamilya.Gustuhin man niyang usigin ito ay imposible na dahil patay na ito. Dapat na lamang niyang hanapin ang kanyang papa at hingin ang kapatawaran nito. Noon niya nakilala si Julius Ortega, ang lalaking diumano ay tumulong at nagbigay-pag-asa sa patapon nang buhay ng kanyang ama. At sa pagtira niya sa haciendang guwapo ngunit supladong lalaki ay panibagong suliranin na naman pala ang kakaharapin niya. Hindi ganoon kadaling kumbinsihin ito na magiging maayos ang buhay ng kanyang ama kapag isinama niya ito pabalik sa Maynila. At habang tumatagal,parang iba na ang gustong mangyari ng puso't isip niya. Ayaw na niyang umalis sa piling ni Julius...
My Love My Hero Andro - Laurice Del Rio by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 13,522
  • WpVote
    Votes 240
  • WpPart
    Parts 10
Napapiksi si Charisse nang abutin nito ang braso niya't hilain siya. Gayunpaman, hindi siya pumiglas nang sapuin nito ng dalawang palad ang kanyang mukha't dampian ng halik ang kanyang mga labi. "Does this mean na pumapayag ka na sa terms ko?" Nagbabaga ang mga mata ni Andro sa masidhing emosyon habang nakatitig sa kanya. Do I have a choice? gustong isigaw ni Charisse.
Sa Sulok Ng Puso - Olga Medina by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 15,571
  • WpVote
    Votes 228
  • WpPart
    Parts 10
"Ang mga insultong 'binigay ko sa iyo'y upang pagtakpan ang aking damdamin. Pero tama ka, sa isang sulok ng puso ko'y mahal pala kita..."