kayelovestowrite
Sa isang mundong tinatago sa anino ng lipunan, umiiral ang isang paaralang hindi tulad ng iba - Black Veil Institute. Sa loob ng matitibay na pader nito, sinasanay ang mga piling kabataan para maging perpektong mamamatay-tao. Bawat linggo ay may misyon. Bawat pagkakamali ay maaaring ikamatay. Ang maging mahina ay sentensyang kamatayan.
Dito napadpad si Yuki Hayashi, isang 18-anyos na dalagang may dugong Hapon. Matapang, matalino, at may sariling paninindigan - ngunit puno ng tanong: Bakit siya pinili? Ano ang dahilan ng pagtanggap sa kanya sa isang paaralang walang awa? Lihim niyang hinahanap ang sagot - isang bagay na matagal nang tinatago sa kanya.
Sa kanyang paglalakbay sa loob ng institusyon, makikilala niya ang iba pang estudyante - ilan ay kaibigan, ilan ay kaaway, at ilan ay parehong. Ngunit sa likod ng bawat ngiti ay may lihim. Sa likod ng bawat misyon ay may mas malaking laro.
Sa mundo kung saan ang buhay ay palaging nakataya, sino ang magtatagumpay? Sino ang mapipili? At sino ang nararapat sa titulong Veilborn - ang nag-iisang simbolo ng pagiging pinakamahusay at pinakadelikado?