taciturn_raucous's Reading List
7 stories
Dosage of Serotonin by inksteady
inksteady
  • WpView
    Reads 41,358,547
  • WpVote
    Votes 1,345,347
  • WpPart
    Parts 47
Started: 04/27/2021 Ended: 08/24/2021 Ang hirap palang tumanda. Ang hirap magbayad ng bills. Ang hirap suportahan ng pamilyang akala ay isang milyon ang suweldo mo. Ang hirap ngumiti sa nanay na mataas ang tingin sa'yo pero hindi ka kayang ipagtanggol. Ang hirap tabihan sa hapagkainan ng tatay na pinag-uubusan mo ng pera pero hindi ka maalala. Ang hirap mag-abot ng tulong sa kapatid na baon sa utang. Ang hirap intindihin ng hipag na nakakapagpa-rebond pa kahit kapos na kapos na. Ang hirap pakisamahan ng bunsong halos ilahad ang mga palad tuwing makikita ka. Ang hirap ngitian ng mga taong tanong nang tanong kung bakit hindi ka pa nakakapag-asawa. Ang hirap humarap sa mundong isasampal sa'yo na mag-isa ka. Tulong, bigay, utang. Isang iling mo lang, madamot ka na. Kasama mo sila kapag may maibibigay ka, pero hindi mo sila mahahanap kapag wala na. Ikaw ang kakayod, sila ang tutuka. Ikaw ang iiyak sa pagod, sila ang magtatamasa. Iyon ang summary ng buhay ko. Sobra-sobra ang naririnig na paghingi, kulang na kulang ang naririnig na pasasalamat. Sobra-sobra ang pagpapasensya, kulang na kulang ang natatanggap na pagpapahalaga. Sobra-sobra ang binabayaran, kulang na kulang sa kasiyahan. Kaya nang dumating sa buhay ko ang nag-iisang lalaking hindi ako nakita bilang naglalakad na alkansya, ang nag-iisang lalaking nakinig sa mahabang listahan ko ng problema, ang nag-iisang lalaking nagbigay sa akin ng kakaibang saya, ipinangako ko sa sarili na sa gitna ng hirap ng pagtanda, magtitiis ako basta't siya ang kasama. Kahit pa ang kapalit noon ay pagtalikod sa minahal na pamilya. Kahit pa ang kapalit noon ay paglaban sa mundong pinatatakbo ng kapangyarihan at pera. Kahit pa ang kapalit noon ay ang pagdurusa't pag-iisa. Siya ang ginhawa, pahinga, at kasiyahan ko. Dumating man ang araw na tanaw ko na ang dulo. Dumating man ang araw na wala na kaming sagot sa lahat ng bakit at paano. Dumating man ang araw na pareho na kaming talo.
Baka Sakali 1 (Alegria Boys Series #1) (Published under Pop Fiction, and MPress) by jonaxx
jonaxx
  • WpView
    Reads 123,830,171
  • WpVote
    Votes 3,061,640
  • WpPart
    Parts 70
Ang pag-ibig ay parang nagsusugal. Pag sigurado kang mahal mo ang tao, ibibigay mo ang lahat. Ang problema dito ay di mo alam kung may maibabalik paba sayo o wala. Maswerte ang nakakakuha ng higit pa sa inaasahan, pero luhaan ang mga sumugal at natalo. Pero ganun paman, tulad ng sugal, kahit walang kasiguraduhan, marami paring umiibig, marami paring sumusugal. Dahil... Baka Sakali... Baka Sakali...
Baka Sakali 2 (Published under Pop Fiction) by jonaxx
jonaxx
  • WpView
    Reads 44,670,045
  • WpVote
    Votes 1,012,090
  • WpPart
    Parts 34
Ang pag-ibig ay parang nagsusugal. Pag sigurado kang mahal mo ang tao, ibibigay mo ang lahat. Ang problema dito ay di mo alam kung may maibabalik paba sayo o wala. Maswerte ang nakakakuha ng higit pa sa inaasahan, pero luhaan ang mga sumugal at natalo. Pero ganun paman, tulad ng sugal, kahit walang kasiguraduhan, marami paring umiibig, marami paring sumusugal. Dahil... Baka Sakali... Baka Sakali... Pero hanggang saan ang pagbabaka sakali mo?
Heart in Disguise (Heart Series #2) by thorned_heartu
thorned_heartu
  • WpView
    Reads 583,966
  • WpVote
    Votes 13,306
  • WpPart
    Parts 42
[COMPLETED] R-18: Read at your own risk. "Why can't you just be my whole galaxy, even if I'm just a mere stone surrounded by fire?" - Clovis Philip Madrigal
Worthless (Published Under MPress) by jonaxx
jonaxx
  • WpView
    Reads 97,973,642
  • WpVote
    Votes 2,328,323
  • WpPart
    Parts 64
Maria Georgianne Marfori loved Noah Elizalde more than anything in this world. Ganon din halos lahat ng mga babaeng kilala niya. Yes, he's probably that hot and adorable. Kaya naman ay maaga niyang natutunan ang pag mamahal ng walang pag aalinlangan at takot. Kailanman ay hindi niya naisip na darating ang araw na susuko siya at mapapagod. Never. Noah will end up with her no matter what. But is it really right to love him intensely at a very young age? Her family didn't believe in love. They think it's pure sentiment. They think purely loving someone with your heart was wrong. Binigyan tayo ng Panginoon ng puso at utak. Puso, para maramdaman ang sentimento. Utak, para mapag isipan kung dapat bang tanggapin ang sentimento ng puso. We have to identify who's the better judge. But then again, do we always have that chance to judge? Paano kung ipaglaban mo man iyon ay wala ka parin namang halaga? How are you going to fight for your heart when you know from the very beginning you will lose? That you are Worthless? Why do we all want this? To love what does not love us. To leave those who want to stay. To push away those who want to stay close. To treasure what is worthless.
Baka Sakali 3 (Published under Pop Fiction) by jonaxx
jonaxx
  • WpView
    Reads 40,147,939
  • WpVote
    Votes 997,130
  • WpPart
    Parts 34
Ang pag-ibig ay parang nagsusugal. Pag sigurado kang mahal mo ang tao, ibibigay mo ang lahat. Ang problema dito ay di mo alam kung may maibabalik paba sayo o wala. Maswerte ang nakakakuha ng higit pa sa inaasahan, pero luhaan ang mga sumugal at natalo. Pero ganun paman, tulad ng sugal, kahit walang kasiguraduhan, marami paring umiibig, marami paring sumusugal. Dahil... Baka Sakali... Baka Sakali... Kaya mo bang sumuko sa pagba baka sakali?
Sayang by taciturn_raucous
taciturn_raucous
  • WpView
    Reads 44
  • WpVote
    Votes 4
  • WpPart
    Parts 2
Masarap magmahal at masarap mahalin ika nga ng iba. Ngunit normal na masaktan kapag nagmamahal ka. May mga pagkakataong hindi mo inaasahan na kahit buo ang tiwala mo sa kaniya, nadiyan pa rin talaga ang tukso na hindi tayo nilalayuan. Maraming mga magiging hadlang bago marating ang kaligayahan na inaasam sa pag-iibigan. May mga pagkakataon na nasasayang dahil wala tayong lakas ng loob na sabihin sa ating minamahal ang ating tunay na nararamdaman. Naduduwag, natatakot, kinakabahan. Pilit na pinaghihiwalay ng tadhana ang dalawang taong nagmamahalan, kailan nga kaya magtatagpo kung pati na ang panahon ang pilit na sa inyo'y naglalayo? Tunghayan natin ang pagmamahalan nina Vadien Karhl Ramos at Sephie Jiean Lopez.