thorfour
ACACIA (MIKHAIAH)
Sa pagitan ng dalawang pusong nagtagpo sa maling panahon, umusbong ang pag-ibig. Pag-ibig na tahimik at bawal, ngunit totoo. Isa'y isinilang sa yaman, ang isa nama'y sa payak na pamumuhay. Sa bawat sulyap, sa bawat sandaling ninakaw sa mundo, doon nila binuo ang mundong sila lang ang nakakaalam.
Sa lilim ng matandang punong Akasya, doon sila laging nagtatagpo, isang saksi sa kanilang mga tawa, mga lihim, at pangakong binigkas sa gitna ng katahimikan.
Ngunit sa mundong ito, hindi laging sapat ang pagmamahal.
Isang gabi, may pangakong binitiwan. Isang oras ang itinakda. Dumating ang isa, dala ang buong tapang at pag-asa. Ngunit ang isa'y hindi sumipot.
Ngayo'y nananatiling tahimik ang punong Akasya, tagapangalaga ng alaala ng isang pag-ibig na minsang lumaban sa lahat.
Sa pagitan ng pagmamahal at pangako, sino ang pinili ang takot... at sino ang naiwan sa paghihintay?