Blazieah
Deseo Island Series #2: The Runaway Actress
WARNING!!! MATURE CONTENT!!!
Maryvone "Yvone" Lopez, isang actress. Kilala siya bilang kontrabida sa lahat ng teleserye at movie. Matunog ang pangalan niya... but not in a good way.
Hindi siya nawawalan ng isyu buwan-buwan. Palagi siyang laman ng balita, trending sa social media at pinuputakti ng kanyang mga bashers. Hindi na siya bago rito, sanay na siya pero ang manager niya ay hindi parin masanay sanay at palagi na lang na-i-stress sa kanya.
Lalo na dahil sa napakalaking isyu ang lumabas tungkol sa kanya. It's very controversial that many citizens were mad at her.
Ang reputasyon niyang sira ay mas lalo pang nasira. Hindi lang ang manager niya ang na-stress dahil maging siya'y na-stress din. Her mental state was at stake kaya naman para huminahon ang isyu niya at maging maayos ang mental health niya ay pumunta siya sa islang ibang-iba sa islang palaging pinuntahan ng mga turista.
Deseo Island.
Doon hindi niya aakalain na matatagpuan niya ang buhay na walang panghuhusga, walang camera, walang pressure sa trabaho. Nagkaroon siya ng kalayaan, katahimikan, kaligayahan at sarap na noon niya lang naramdaman.