galeverse
Mag-isa lang si Esmeralda sa paghilom ng sugat na iniwan ng nakaraan. Akala niya, tapos na ang lahat. Pero sa isang iglap, muling bumalik si Gareth... dala ng isang di-inaasahang pagkakataon.
Hindi na siya ang dating Gareth. May mga bagay sa kanyang mga mata na dati'y wala. Mga tanong. Mga alaala. Mga hindi nasabi noon.
Sa gitna ng mga boardroom, ambisyon, at unti-unting nabuburang linya ng propesyon at damdamin, muling nagsalubong ang dalawang mundo. Isang kwentong parang tapos na, pero bakit parang may gustong magsimula muli?
Babalik ba ang dati? O may panibagong kwento ngang sinusulat ang tadhana?