itsmarresemonika
- Reads 7,635
- Votes 119
- Parts 55
I'M BORN AS ERYNDOR BOOK 2 : FADED AND RETURN
WRITTEN BY MARRESE MONIKA
Nagising at natagpuan ang sarili sa hindi pamilyar na lugar. Doon niya din napagtanto na nawala ang kaniyang alaala. Ni isa ay walang itinira. Isa na siyang lubusang estranghero. Doon niya nalaman dinala siya ng alon at hangin sa bansang Jian Yu. Bagamat hindi siya pamilyar sa lugar na 'yon, sinisikap niya na mamalagi doon kahit pansamantala lang. Subalit, malalaman niyang siya pala ang sinasabi sa propesiya na mapapangasawa ng kasalukuyang Emperador ng bansa na 'yon, si Emperador Yu Shan!
Nagbitaw siya ng pangako. Pero mas malalim pala ang matutunghayan niya nang oras na tumapak siya sa Palasyo. Mas marami pa siyang madidiskobre. Mas maraming sikreto na dapat maibunyag. Ngunit kaya niyang magtiis alang-alang sa mga taong naniniwala sa kaniya.
Subalit, dahil sa isang insidente ay malalaman na niya ang lahat. Kung sino siya. Kung ano ang tunay niyang pagkatao at kung ano ang layunin niya na ito din ang magtutulak sa kaniya upang bumalik sa bansa na kaniyang pinanggalingan. Sa kaniyang pamilya - ang mga Eryndor! At ang bansa na naging pangalawang tahanan niya, ang Thilawiel.
Sa kaniyang pagbabalik, laking gulat niya na hindi na ito may mga bagay pa pala siyang dapat matuklasan. . .