pinkililyleaf
Hindi man sila kailanman naging opisyal, pero ang mga puso nila ay parang dalawang bituin, magkahiwalay pero sabay na kumikislap sa iisang kalangitan. Pinaalala niya sa kanya na ang pag-ibig ay puwedeng maging banayad, na hindi naman palaging kailangang masakit. However, love can be playful sometimes, it finds its way to slip through even in the safest embrace of warmth.
Isang araw, bigla na lamang siyang naglaho na parang bula, nag-iwan ng sulat na siyang pinanghahawakan ni Sora sa paglipas ng maraming taon.
Tuwing gabi, tinititigan niya ang madilim na langit na minsan nilang pinagsaluhan. Hinahabol siya ng mga alaala na kumikislap tulad ng mga bituing unti-unting nawawala. Paulit-ulit siyang binabagabag ng tanong na ayaw mawala sa isip at puso niya tulad kung totoo ba talaga ang pag-ibig na minsan niyang naramdaman, o isa lang bang laro at magandang ilusyon na itinadhana ring maglaho?