Estupidokupido
HATINGGABI na'y di pa rin siya makatulog.
Mugto na nga ang mga mata niya sa kaiiyak pero hindi pa rin niya magawang tumigil. Pinagagalitan na nga niya ang sarili: Ganyan ba ang hindi na iiyak?
Tantiya niya ay mag-aala-una na nang makarinig siya ng pagtigil sa harap ng isang sasakyan.
Ang kasunod niyon ay ang pagpapatao-po ng isang tinig at pagkuwa'y ang mahinang usapan ng di matiyak kung sino.
Maya-maya lamang, may kumatok na sa pinto ng silid ni NENITA.
Binuksan ng dalaga ang pinto.
"Isang tanong, isang sagot," walang kangiti- ngiting sabi ni GERARD na nabuglawan niya sa labas ng pinto.
"Sasama ka ba sa akin nang matiwasay o kinakailangan pang buhatin kita?"
"G-Gerard! Paanong--"
Disclaimer: All rights belong to the rightful owner. No copyright infringement. For reading purposes only
©Helen Meriz